Chapter Thirty Three

65 2 0
                                        

LHIA POV

"May sunog daw sa may HM building." Naagaw ng pansin namin ang lalaking sumigaw. Nag katinginan kaming mga mag kakaibigan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kirot sa dibdib ko.

"Kuya excuse me, saan daw nag simula ang sunog?"

"Doon daw sa baking room ng HM building." Agad na nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng tayo at tumakbo.

"Tasyaaaa!"

"Lhiaaa!"

Hindi kona sila nilingon at naramdaman ko nalang ang pag sunod nila sa akin.

Dagsa ang dami ng estudyante, may fire truck at ambulansiya din na nandoon. At halos manginig ako ng makita ko na si Anica ang sakay noong buhat buhat ng rescurer.

Nabalutan ng dugo ang puting dress na suot niya. At kasabay noon ay si Ingird na hindi ko din maintindihan ang itsura. Naramdaman ko ang pag kapit sa akin ni Clyde para alalayan ako.

Nag kanya kanya kaming mag kakaibigan na sumunod sa ambulansiya. Tinawagan nadin ni Allison ang magulang ni Anica.

Tulala kaming lahat habang nag aantay na lumabas ang mga doctor na nag asikaso sa dalawa naming kaibigan.

Parang bonding nadin naming mag kakaibigan tong hospital! Dumating na din ang magulang ni Anica na agad namin silang inalalayan at binigyan ng mauupuan. Agad akong napatayo ng lumabas ang doctor ni Ingrid.

"Who's the family of Ms. Fortes?"

"I'm her cousin." Pag sisinungaling ko.

"The patient is stable naman na, natahi nadin namin yung sugat sa kamay niya. Medyo madaming blood ang nawala sa kanya so she need some rest para makabawi sa lakas. I think nakipag bugbugan ang pinsan mo dahil sa dami ng pasa at sugat niya."

"Thank you, doc."

Pag alis ng doctor ni Ingrid, lumabas naman ang doctor ni Anica. Agad na lumapit ang magulang niya at nanatili kaming nasa likuran nila.

"Ms. Delos Santos are okay but kinalulungkot ko hindi naka survive yung baby niya." Halata ang gulat at pag kabigla sa mata naming lahat.

"My daughter is pregnant?" Nauutal na tanong ng mama ni Anica. Halata ang galit pero nangibabaw ang pag ka awa para sa kanilang anak.

"Yes, she is one month and two weeks pregnant, pero mahina ang kapit ng bata kaya naman hindi na nito nagawang kumapit pa ng duguin ang anak niyo."

"She didn't told us na buntis siya."

"You should ask your daughter kapag nagising na siya, kailangan niya ng pahinga dahil baka ang katawan niya ang bumigay, excuse me."

Naupo ang mama ni Anica saka umiyak ng umiyak, lumapit naman kami ni Allison para patahanin ang mama niya.

"Walanghiyang Christian yun! Pinagkatiwala ko sa kanya ang anak ko!"

Nag katinginan kaming lahat, lalo na kami ni Allison dahil alam naming si Jared ang ama ng magiging baby sana ni Anica.

"Tito, I think antayin po muna nating magising si Anica." Pakiusap ni Allison. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang kumalma ang papa ni Anica.

Gumabi nalang lahat lahat pero si Ingrid tulog padin. Naiinis na ako ayaw pang gumising! Parang hiwa lang sa kamay! Samantalang dati bala pa ng baril ang tumama sa kanya dahil sa katigasan ng ulo niya!

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon