LHIA POV
Halos mapamura ako sa sakit ng ulo ko, umupo ako sa kama saka hinawakan yung ulo ko. Napasandal ako sa headboard saka mariing pumikit.
"Putcha! Anong nangyari kagabe?" Napatingin ako sa katawan ko, nakapajama at sando na ako.
Teka nga! Shit! May nangyari kagabe! Anak ng, may nangyari sa amin kagabe! Nasaan na yung hayop na yun? Ano ba talaga trip niya? Ang bobo naman Lhia! Nasapo ko ang ulo ko.
"Bakit hinayaan mong may mangyari! Wala na kayo diba!" Sita ko sa sarili, binihisan pako ampota!
Awit talaga! Ano ba habol siya sa akin? Katawan ko? Kingina naman! Tumayo ako at nag hilamos, pag kababa ko si Jared, Anica at Lucas lang ang nakita ko.
"Nasaan si Clyde?"
"Maaga siyang umalis kanina." Si Lucas ang sumagot.
"Nasaan ang iba?"
"Nakauwi na, inantay kalang namin magising, kumain kana muna."
"Ano ba talaga nangyari sa inyo ni Clyde?" Naguguluhang tanong ni Anica. Umiling ako.
"Hindi ko din alam, pati ako naguguluhan." Sagot ko saka kumuha ng pag kain.
Gabi na ng dumating kami sa Makati. Dumaan ang araw ng mabilis, naging maayos ang unang operation ni Ingrid. After a month na ulit ang sunod niyang operation. Lumipas ng mabilis ang araw, one month nadin siguro simula nung birthday ni Jared at hindi pa namin nakikita si Clyde.
Naguguluhan ako! Lahat kami naguguluhan! Pati si coach walang balita kay Clyde. Mga classmate niya hinahanap din siya sa amin. I tried to contact Clariss, pero hindi niya ako sinasagot. May mali talaga sa nangyayari e.
Ilang araw nadin akong walang ganang kumain. Sumilip ako sa mga food sa cafeteria, pero pakiramdam ko binabaliktad sikmura ko ng makita ko yung salad. Wala akong nagustuhan kaya tatambay nalang ako sa garden.
Bago pa ako makalabas ng cafeteria hinarang na ako ni Nathalie. Ngayon ko nalang siya ulit nakita. Lalagpasan kona sana siya pero marahas niya akong hinila paharap sa kanya.
"Wag mo akong simulan Nathalie!"
"Where the hell is Clyde?" Aba malay ko kung nasaan yung hayop na yun!
"Aba malay ko!"
"Sinungaling! Pwede ba wag mong itago si Clyde, malandi ka!"
"Putcha naman! Marami akong inaasikaso Nathalie, kaya pwede ba wag kang magulo!" Aalis na ako e! Pero tong gagang to, hinila nanaman ako at tinulak sa mesa.
Nag init na talaga yung ulo ko! "Gusto mo talaga ng gulong animal ka!" Hinatak ko agad yung buhok niya. Nginudngod ko siya pababa para hindi niya ako maabot. Nawawala na ako sa sarili, gustong gusto ko siyang patayin!
"Ako nanahimik na ako! Pero paulit ulit mo akong ginugulo!" Sigaw ko saka siya inangat at sinampal.
Naihagis ko siya sa mesa saka ko dun pinag sasampal, lumakas naden ang bulungan ng mga estudyante sa cafeteria. Pero wala akong pakialam. Nanggigil kong winagwag ang buhok ng haliparot na to.
"Lhia, please stop it!" Umiiyak na sabi niya pero lalo ko lang siyang sinabunutan. "I'm pregnant, Lhia. Please!" Natigilan ako at agad siyang nabitawan.
"You what?" Agad kong tanong.
"I'm pregnant." Umiiyak na sabi niya. Tinitigan ko yung tummy niya, ngayon ko lang napansin na may umbok na nga dun. "I'm carrying Clyde's child, Lhia." Gulat akong napatingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Novela JuvenilLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...