Chapter Forty Two

44 2 0
                                    

LHIA POV

University week ngayon kaya naman busy ang lahat ng students sa kaniya-kaniya sport na sinalihan at dahil varsity kami hindi na kami kasali dun, ang nakatoka sa amin per team ay ang pag gawa ng booth.

Ang naisip ng volleyball team ay ang, say sorry and say i love you booth. Meron kaming benebenta na teddy bear na tama lang ang laki, color blue for saying sorry at color red for saying i love you, pwedeng ikaw mag bigay nun or kami ang mag bibigay kung ayaw mong mag pakilala.

At lahat ng pera na makukuha namin sa booth na ito ay ibibigay namin? sa charity. Nice idea diba nag eenjoy na kami makakatulong pa kami. Kaya eto abala kaming lahat ngayon.

"Hmm Captain Samantha." Sabay naming nilingon ni Allison si Anica. Nag katinginan pa kami ni Allison.

"Why? May kailangan ka?" Cold na tanong ni Sam, for sure nasasaktan padin siya. Pero napaka professional niya as our captain.

"I know hindi ko maaalis yung pain jan sa puso mo but still I want to say sorry." Parang maiiyak na sabi ni Anica saka inabot yung blue teddy bear kay Captain.

Nanatiling blangko si Captain akala namin hindi niya yun aabutin pero muli kaming nag katinginan ni Allison ng ngumiti si Captain. Kinuha niya yung teddy bear saka niyakap si Anica.

"Napatawad na kita, Tanggap ko nadin na ikaw na yung mahal ni Jared. Kahit masakit, tatlong taon naging kami pero ang dami kong pag kukulang na pinunan mo." Kumalas siya sa pag kakayakap kay Anica. "Thank you for making Jared so happy! Masaya ako para sa inyo." Muling sabi niya.

"Thank you, Captain!" Muli silang nag yakapan.

"Hi Ate!" Bati noong cute na bata sa akin.

"Hello? Are you going to buy ba baby girl??" Tanong ko at bahagya pa siyang pinat sa head niya.

"Yes Ate! I want that color red na teddy bear Ate! And hmmm can you give that bear doon sa lalaki sa performing room ate?"

"Oo naman baby girl. Ano pala isusulat ko sa card bukod sa I love you?" Tiningnan ko yung bata na ang ganda ng ngiti sa akin.

"Hmm wala naman na po, nakacolor blue siya na plain shirt ate ahh!" Pag katapos niyang mag bayad bigla nalang siyang tumakbo.

Nag paalam muna ako sa mga kasama ko saka nag punta sa performing room. Pag bukas ko ng pinto ng performing room nagulat ako ng makita si Clyde doon at nakangiti sa akin.

"Baby? Anong ginagaw--" Pero natigilan ako ng makitang nakaplain shirt siya na kulay blue. "My ghaad Clyde! Crush ka yata ng batang yun."

"Sinong bata?"

"Yung bumili ng teddy bear na to, sabi niya nasa performing room daw ang pag bibigyan ko ng bear na to and suot daw ay color blue na plain shirt." Hala! Pati bata nagagayuma ng kagwapuhan ni Clyde.

"Really?"

"Oo nga, here oh ayan yung teddy bear mo." Inabot ko sa kanya yung teddy bear, kinuha niya yung card at may sinulat siya dun.

"Patingin nga ng sinulat mo! Naku ka Ensler ahh! Mamaya kabit mo yung batang yun!"

"Hahahaha seriously Tasya? Kahit malaki kana, ikaw lang ang baby ko." Natatawa niyang pag lalambing. Inis kong kinuha yung card at binasa yung sinulat niya.

"I love you more than anything else Tasya, be my valentine date."

Kinikilig akong tumingin sa kanya matapos kung mabasa yung dinugtong niya doon sa card. Natatawa naman niya akong niyakap.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon