Chapter Thirty Eight

52 2 0
                                    

INGRID POV

Hindi ko maituloy tuloy ang saya ko, naiirita ako mula kahapon pa nakakaramdam ako ng pag kahilo at pag ka lula. Hindi ko alam kung bakit, imposibleng buntis ako! Sobrang imposible talaga!

"Bakit ang tahimik mo?" Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ni Khane sa likuran ko.

"Psh! Kailan pa ako naging maingay Khane?" Pag tataray ko.

"I mean ewan parang may iba lang sayo ngayon." Kakamot kamot sa ulo niyang sagot.

"Tsk! Tara na nga doon sa kanila malapit na mag alasdose." Yaya ko.

Inalalayan niya ako na tumayo na para namang hindi ko kayang tumayo ng sarili ko. Nakangiti akong lumapit sa kanila.

Isa isa naming pinuwesto ang mga fireworks.

5..4..3..2..1!!

"HAPPY NEEEEW YEAAAAR!!" Sabay sabay naming sigaw.

Nakangiti akong tiningnan ang mga ilaw sa langit, why ba ako nagiging emotional! Nababaliw na yata ako!

"Ngayon palang kita nakitang ngumiti ng ganyan kaganda." Agad akong tumingin kay Khane.

"Psh! Hilig mo talagang bigla biglang sumulpot." Ani ko saka umirap.

"Nasaan pala yung baby natin?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Baby natim?" Mataray kong tanong. Pinag sasabi nanaman ng isang to.

"I mean si Hale, yung pusa." I don't know kung bakit  bigla nalang akong tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya.

"Baby natin hahahaha seryoso kaba? Para kang bata." Natatawa ko pading sabi pero natigil ang tawa ko ng makita ko siyang titig na titig sa akin.

"Why are you looking at me like that?" Maarteng tanong ko saka umirap.

"Ang ganda mo lalo kapag tumatawa." Okay ako naman ang natigilan.

"Khane! Ingrid! Mamaya na kayong mag lambingan uminom na tayo!" Nabaling ang atensyon namin sa sigaw ni Kuya Lance kaya sabay kaming pumunta sa kanila.

"Cheeeerrssss para sa bagong taon na puno ng saya!" Lasing na sabi ni Kuya Lance.

"Cheeeeersss!" Masaya nilang sagot kaya nakicheers na din ako.

Tumagal ang inuman, nalasing na si Tito pati si Kuya Lance kaya nauna na silang pumasok sa loob kasama ang kambal ganun din si Tita.

"Nalalasing na ako, I think kailangan ko na mag swim." Nakangiting sabi ni Clariss saka hinubad ang roba. Napasipol naman at nag iwas ng tingin si Lucas at Liam.

"Gusto ko na ding mag swimming." Sabi ni Lhia at nag hubad ng roba.

"Baby." Namamaos na bigkas ni Clyde.

"Ayusin mo ang tingin mo sa kaibigan ko Clyde!"

"Hahahaha relax Ingrid hindi naman ako kakainin ni Clyde."

"I'm thinking of it baby." Agad kong naibato kay Clyde yung kutsara sa gilid ko kaya naman tatawa tawa siyang tiningnan ako. "Joke lang naman. Lets swim baby." Umirap ako ng mag hubad ng shirt si Clyde ganun din si Liam at Lucas.

"Wala kang balak sumunod sa kanila?" Tanong ko kay Khane saka uminom ng alak.

"Mamaya na kapag mag swimming kana din. Para sabay na tayo."

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon