INGRID POV
Ngayon ang unang araw ng sport fest kaya naman sobrang nagsasaya ang mga estudyante. Marami ding mga students na galing sa iba-t ibang school.
Kahapon ko pa hinahanap si Clyde pero hanggang ngayon hindi ko padin nakikita.
"Khane!"
"Nakakagulat ka naman Ingrid. Bakit miss mo ako? Hays I miss you too." Pinag sasabi nanaman ng isang to.
"Siraulo! Nakita mo ba yung magaling niyong Captain!" Tanong ko.
"Nasa roof top yata kasi andun kami kanina sabi niya kasi iwanan muna namin siya."
"Sige sige salamat!" Aalis na dapat ako pero pinigilan niya ako.
"Aalis kana agad? Samahan mo muna ako laro tayo sa mga booth." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mamaya na may kailangan lang ako kay Clyde."
"Promise mamaya?" Ang kulit talaga ng isang to.
"Tsk! Oo promise!"
Nag mamadali akong umakyat sa roof top ng mainbuilding at naabutan ko doon si Clyde na nag mumuni muni yata habang nakatingin sa ibaba ng roof top.
Hinampas ko siya ng malakas sa likod dahilan para mapamura siya.
"Bullshit Ingrid para sa----" Malakas ko siyang sinampal dahilan para matigilan siya.
"Ano bang problema mo!" Halatang naiinis na siya sa ginagawa ko.
"Ikaw ang problema ko! Gago ka wala kang pinag iba sa pinsan mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano bang pinag sasabi mo!" Nag tatakang sabi niya.
"Kunyari wala kang alam sinasaktan mo yung kaibigan ko! Tangina mo naman eh! Kung wala ka naman palang plano sa kaibigan ko sana umpisa palang Clyde nilayuan mo na!" Nanggigil na sabi ko.
"Anong sinasaktan? Are you making fun with me, Ingrid? Wala lang naman lahat kay Lhia diba!" Lalong kumulo yung dugo ko sa sinabi niya.
"Anong wala? Gago kaba! After mong pakitaan ng motives yung kaibigan ko sasabihin mong wala lang lahat yun!" Lord! Pigilan mo ako baka ihulog ko dito to!
"I don't know what the hell are you talking about Ingrid! You're just wasting my time! Okay naman na sila ni Rhys diba ano pang dahilan para pagusapan yung tungkol sa amin!"
Nakatanggap pa siya ulit sakin ng malakas na sampal.
"Gago ka nga talaga! Anong okay sila! Matagal ng silang tapos Clyde nahihibang kaba!" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Ehh ano yung nakita ko si Rhys palabas ng condo ni Lhia na mukang doon natulog sa condo ni Lhia! Yun ba ang hindi okay!" Sa pangatlong pag kakataon nasampal ko siya ulit. "Bullshit Ingrid! Nakakailang sam---" Pang apat na sampal.
"Bobo ka Clyde kumukulo ang dugo ko sayong bobo ka! Noong punyetang umaga na yun na nakita mo yung gagong lalaki na yun! Lasing na lasing yun nung gabi!" Huminga ako ng malalim saka napahawak sa noo kase nanggigil talaga ako sa kabobohan ni Clyde!
"Nag wawala nun si Rhys! Gustong makausap si Lhia! Umiiyak si gago nag mamakaawa sa kaibigan ko na balikan siya! Etong Lhia naawa kasi baka kapag pinalayas niya baka mamatay yung gagong yun baka mapaaway o madisgrasya sa kalasingan!" Huminga ulit ako ng malalim.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Fiksi RemajaLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...