LHIA POV
After that night madaling araw palang umalis na ako ng quezon, hindi ko na sila inantay magising hindi ko kayang harapin si Clyde. Bukas na ang start ng pag gawa ng resort. Pinapunta ako ni daddy pero sabi ko next time nalang kasi tambak pa ako ng gawain.
Sumandal ako sa swiveling chair ko saka tinitigan ang sandamakmak na papers sa harapan ko. Ang sarap nalang sunugin lahat.
Isa pa sa problem ko yung wedding anniversary ni Anica at Jared, ayoko sanang sumama pero si Ingrid parang gago, sinusumbatan pa ako sa pag tulong niya sa akin sa america ampota! Saksak ko talaga sa baga niya si Khane! May girlfriend naman yung tao! Bobo!
"Good morning, Ma'am. Papa----"
"Cancel all my meetings today, masama kamo pakiramdam ko."
"Pero Ma'am h---"
"I-cancel mo! Tapos lumabas kana sa office ko!" Napag taasan ko siya ng boses kaya naman nag madali na siyang umalis.
Wala talaga ako sa wisyo, nararamdaman ko ang bawat halik at dampi ni Clyde sa katawan ko! Bullshit, Clyde!
Kinuha ko yung phone ko ng mag vibrate yun. Message from Mr. Ensler. Tss. "Where are you?"
"The hell you care, kung nasaan ako!" Parang tangang sigaw ko. Tumawag pa si Clyde kaya naman blinlock ko muna yung number niya sa akin.
Sinubukan kong gawin ang ilang paper works ko, pero wala talagang ibang napasok sa utak ko kundi si Clyde! Parang gago!
Sa sobrang badtrip ko, sinara kona ang laptop ko, kinuha ko yung bag ko saka lumabas ng opisina. I'm not in my fcking mood para mag trabaho. Nag drive ako sa pinakamalapit na mall para libangin ang sarili ko.
Una kong pinuntahan ang bookstore, binilhan ko ng bagong books si Eleanor, after nun sa toy section naman ako. Palagi siyang naiiwan sa bahay kaya para madami siyang libangan binilhan ko siya. I also buy my baby some clothes and two pair of shoes.Pumunta na din ako sa supermarket to buy my baby, milk and some biscuits. I pushed my cart at dumeretcho sa milk section.
I saw a little boy na halos kasing age siguro ni Ele, nahihirapan siyang abutin yung gatas kaya ako na ang kumuha nun at inabot sa kanya.
"Thank you." He politely said.
"Brix, baby. Naku---Lhia." Natigilan kami parehas ni Nathalie. Napatingin ako sa bata na nakahawak na sa kamay niya. Brix? Anak niya kay Clyde? Kapatid ng anak ko?
"Hi, Nathalie." Bati ko, gumanda siya lalo at nag matured ang pistura ng katawan niya.
"Clyde is right, nasa pilipinas kana ulit." Sabi niya. So nakwento pala ako sa kanya ni Clyde.
"Yan naba yung anak niyo ni Clyde?" I asked her while nakatitig ako sa anak niya. Ang gwapong bata pero hindi ko mahimigan ang muka ni Clyde sa kanya. Nakakaakit pa ang kulay asul niyang mata.
"I think hindi pa nga kayo nakakapag usap ng maayos ni Clyde." Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Wala kaming dapat pag usapan."
"Marami, Lhia. And I want to say sorry sa lahat ng kagagahang nagawa ko. I hope hindi pa huli ang lahat."
"I don't understand you." Naguguluhang sabi ko. Pero tipid niya akong nginitian bago nag salita.
"Maiintindihan mo lahat, kapag nakapag usap na kayo. Give him a chance, Lhia. Wala siyang kasalanan." Mahihimigan mo ang pag hingi ng tawad sa boses niya. Kinarga niya yung anak niya saka nilagay sa cart yung gatas. "Listen to him, I'm sorry ulit. Mauuna na ako." Pati pananalita niya nag matured na din.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...