INGRID POV
Katatapos lang ng operation ko, it's time to rest. Pag kapasok ko sa office ko, nawala ang pagod ko ng makita ang latte at strawberry cake sa ibabaw ng desk ko. Hinubad ko ang white gown ko saka sinabit yun sa maliit na cabinet.
May sticky note sa latte kaya agad kong binasa yun "Take some rest, Dra. Fortes" wala man lang nakalagay kung kanino galing, hmm.
One week nadin ng huli akong nakabisita sa site dahil sa sobrang busy ko, galit na galit din si Lhia sa akin putcha pati ako nadamay sa kagaguhan ni Ivan. Hindi tuloy ako kinakausap ni Lhia.
Matagal kong tinitigan yung foods sa harapan ko, mamaya may lason to. Kinuha ko yung sticky note, paulit ulit kong binasa.
Binaliktad ko yung notes.
"Owww!" Gulat kong sabi then I read it again. -Architect Moore. Pakingtape! Totoo ba to?
I took my phone inside my bag then I texted him, saying thank you. Muntik pa akong mabulunan ng mabilis siyang mag reply.
"Always welcome, Dra. Fortes." I bit my lower lip to stop myself from smiling! Natigil ako sa pag ngiti ng mag vibrate ang phone ko.
Architect Moore, calling..
Agad ko yung sinagot ng hindi man lang pinag iisipan.
"Hey, anong oras tapos ng shift mo?" oh bakit mo tinatanong?
"I don't know e, madami pa akong patient until madaling araw." Sagot ko saka sumandal sa swiveling chair ko.
"Kailan ka ulit pupunta sa site?"
"Bakit miss mo na ako?"
"Hindi gaano." Nawala ang ngiti sa labi ko saka napairap sa kawalan, bwisit! "Hindi gaanong halata. Kaya nga pumunta ako jan kaso nasa operating ka, kaya iniwan ko nalang yung dala kong pagkain." Tangina! Para nanaman akong tanga na nakangiti mag isa.
"Tss. Sige na." I ended the call. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang nakain ng cake at nainom ng latte.
"Iba ang ngiti ni Ate Ingrid!" I choke sa sobrang gulat kay Anica. Sa sobrang kilig ko hindi ko namalayan ang pag pasok niya. "Sorry nagulat yata kita."
"Napasyal ka?" Tanong ko pag katapos kong uminom ng latte. Kinuha ko yung baby niya sa kanya saka yun pinanggigilan.
"Wedding anniversary na namin ni Jared next next week, plano sana naming mag beach party sa ilocos. Gusto namin kayong sumama ni Lhia." Ilocos, yun na yung huling bonding namin na masaya pa kami.
"I don't know kung papayagan akong mag file ng leave, you know naman Anica kakastart ko palang sa work."
"Ate, wala na nga kayo sa wedding namin pati ba naman dito." Nangongonsensyang tumingin sa akin si Anica tapos nag pout pa.
"I'm not sure, pero I'll try paden mag paalam."
"You should come talaga! Kasama lahat ng tropa e, kaya dapat sumama kayo! Tagal na nating walang bonding." My God! Kasama si Architect ko? Wala namang masamang gamitin ang connection ko sa hospital para mag file ng leave.
"Hmm, okay. I'll message you agad. By the way alam naba ni Lhia?" Pipilitin ko siyang sumama!
"Sabe ko kay Clyde siya nalang mag sabe, mag kasama sila sa quezon province ngayon." Oo nga pala! Para sa resort na ipapagawa nila. "I hope na sumama si Lhia, miss na namin kayo."

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...