Chapter Forty Five

42 2 1
                                    

LHIA POV

Sobrang saya naming lahat ng makita ang grades namin for midterm, lahat kami pasado at matataas ang grades. Nakakuha pa si Ingrid ng special award dahil halos maperfect na niya ang exam sa major subject niya.

"Hmm girls? Do you have gown naba for Lola's Clyde party?" Oo nga pala! Hindi ko pa din alam ang isusuot ko.

"Wala pa ehh, hindi ko alam anong klaseng gown ang susuotin ko." Sagot ni Allison sa tanong ni Anica.

"Well nawala na nga sa isip ko yun sa sobrang busy sa school works." Maarteng sagot ni Ingrid.

"Well wala padin ako hahahaha."

"Wala naman na kayong gagawin right? You know our business naman diba? Mga salons and botique kilala din ang company namin na pinaka the best sa pag create ng iba't ibang design ng gowns." Kwento ni Anica. "So I suggest na ako ng bahala sa gowns niyo, all you need to do is samahan ako at pumili kayo ng designs niyo."

"Owww so nice! Wala na tayong poproblemahin!" Nakangiting sabi ko.

"Hmm guys until 6pm lang ako, I promise kasi sa Ate ni Khane na bibisita kami sa kanila today, so susunduin ako ni Khane before 6pm." Mataray kong tiningnan si Ingrid. "Stop it Lhilianeth!"

"Okay lang naman Ate Ingrid, wala namang problema, so tara na?" Simula ng madisgrasya kami hindi na pinag drive si Alli ng kotse kaya naman may sarili na siyang driver ngayon.

Mga mag dadalawang oras ang biyahe namin at talaga namang namamangha kami sa dami ng designs na meron sa loob ng office na pinasukan namin.

"Ang gaganda ng mga designs ng gown na to!" Namamanghang puri ko.

"Yeah! Thanks sa mga magagaling naming designers." Nakangiting sabi ni Anica.

"Oh Ma'am Anica, sila na ba yung mga kaibigan na sinasabi mo?"

"Yes Kirie! So nasaan na yung gowns mo for vintage theme?"

"Here! Hinanap kona yan kagabi pa! I hope na magustuhan niyo yung mga designs ko." Inabot ni Kirie yung brochure, tig iisa kami.

"I ordered foods for us girls kaya after niyo mamili kakain muna tayo." Tumango lang kami saka binalik ang atensyon sa mga design ng gowns.

"Ingrid nakapili kana?" Tanong ko.

"Yeah I want this."

"Hala! Ang revealing magagalit sayo si Khane."

"Wala akong pake! Parang hindi naman niya ako kilala." Sabi niya saka muling tinitigan yung gown. "Ikaw may napili kana?"

"Yeah eto to, look!"

"Oo bagay sayo yan, masyadong pa dalagang pilipina ang awra, pabebe ka naman kaya bagay sayo yan." Pinitik ko siya sa tenga saka agad na lumayo sa kanya.

"Masakit Lhilianeth!" Galit niyang sigaw.

"Whatever!"

Tiningnan ko naman ang napili ni Allison, simple lang yung gown na yun pero mag s-standout ang ganda sa sobrang dami ng pearls. After a minutes dumating na yung order ni Anica na food.

Hindi ako kumain ng rice pero nakailang fried chicken naman ako at halos ako ang umubos sa fries. Si Ingrid naman ang halos umubos sa pizza at pati yung iced coffee ko siya ang uminom.

Kapeng kape ka?

Sobrang busog kaming apat ng mag datingan ang mga lalaki naming kaibigan. Agad akong napangiti ng makita si Clyde. Tumayo ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon