LHIA POV
Hinatid namin ni Clyde si Anica sa bahay nila sobrang taas na ng lagnat niya pero ayaw niyang pumunta ng hospital. Si Ingrid naman kasama si Ivan.
"Okay kalang ba kanina kapa tahimik." Tanong ni Clyde saka hinaplos ng bahagya ang pisngi ko saka ako tiningnan ng nakakatunaw na tingin.
Myghaaaad Clydeeee!
"Okay lang ako, inaalala ko lang yung mga kaibigan natin. Malaking issue yun sa buong university."
"Nasira yung parehong team, I never thought na mangyayari lahat ng to." Dismayadong sabi ni Clyde.
"Natatakot ako para kay Anica."
"Hindi padin ako makapaniwala na may namamagitan sa kanila ni Jared. Ibang klase ka Jared!" Iiling iling na tumatawa na sabi ni Clyde.
"Bukas na gaganapin ang pag paparangal para sa mga kasali sa sport fest. Bukas din ang final event pero parang hindi magiging masaya ang squad natin." Nalulungkot kong sabi.
"I'm still happy kahit hindi kami naging champion ngayong taon." Tiningnan ako ng malalim ni Clyde saka ngumiti, naramdaman kong nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
"Tsk! Bakit naman masaya ka?"
"Because I got you Tasya!" Marahan niyang nilapit ang muka niya saka ako hinalikan.
Shit! Dinampian niya ako ng halik sa labi ko!
Waaaaaaaah! Totoo ba yun? Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya pero tiningala niya ako sa kanya.
"I love you." Mabagal, malambing at marahan niyang banggit saka ako muling hinalikan.
Kung kanina dampi lang, ngayon unti unti ng gumalaw ang mga labi niya na agad ko namang sinabayan.
Myghaaaad Lhia! Ang rupok mo ah!
"Clyde." Hinihingal kong banggit pag katapos niyang putulin ang mga halik namin.
"Hmmmm?" Nakangisi niyang tugon, sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong nangaasar siya. "Your lips taste so sweet, Tasya." Pabulong niyang sabi ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
Geez! Pakiramdam ko nag tayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Niyakap ko ng mahigpit si Clyde.
Hindi ko yun ginawa dahil sa gusto ko talagang gawin, naaninag lang ng mata ko na may nakatingin sa amin sa gawing likuran ni Clyde. Kaya naman agad akong yumakap sa kanya.
Pero wala akong nakita, hindi ako pwedeng mag kamali nakita kong may nag mamasid sa amin ni Clyde.
Nawala ang iniisip ko ng maramdaman ang pag yakap niya sa bewang ko at hinigpitan pa yun. Hinilig ko yung ulo ko sa balikat niya saka mariin na pumikit.
I love you too, Clyde.
Sa isipan ko lang yun sinabi. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya yun nandito padin yung takot na baka sa huli kapag nag ka problema na.
Hindi namin mapanindigan yung nararamdaman naming dalawa.
"Gusto mo bang pumunta muna sa Enchant park?"
"Tara? Namiss ko dun sobra."
Saglit lang kaming bumiyahe, maliwanag pa ng makarating kami dun kaya naman hindi pa ganun ka pansin ang mga ibat ibang ilaw sa paligid.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...