LHIA POV
Halos isang linggo na siguro o mahigit na akong nakakapansin ng kakaiba sa totoo lang nauurat na ako.
Akala ko nung una kaya sila ganun kase exam namin pero tapos na exam kakaiba padin sila. Parang lahat sila iniiwasan ako. Pati si Clyde hindi ko maintindihan hindi na niya ako sinusundo o kaya naman kung kakausapin ako palaging nag mamadali.
Umaasa akong makikita si Clyde na nag aantay sakin sa labas ng condo pero wala e. Wala na ako sa mood. Una yung pag kikita namin ni Ingrid dito bwisit na babaeng yun hanggang ngayon hindi ako kinakausap!
Sila Kuya Lance din at Liam kakaiba! Birthday ng kambal ngayon pero kataka taka dahil wala man lang ganap.
Nanaginip yata ako.
Nang makarating ako sa school tinanaw ko muna sa parking lot yung kotse ni Clyde pero hindi ko nakita. Namimiss kona si Clyde lahat sila pati mga kaibigan namin. Naiinis talaga ako sa kanila!
Friday ngayon kaya for sure classmate ko si Clyde mamaya!
Natapos yung morning class ko ng wala akong natutunan tulala lang ako buong klase. Agad akong lumabas ng room hindi ako kumain wala akong gana kumain!
Dumeretcho ako sa garden ng school kasi alam ko dun payapa saka walang tao. Pag dating ko dun. Naabutan ko si Olivia na naninigarilyo.
"Hey hindi ba bawal ang manigarilyo dito sa loob ng school?"
"Bawal kung makikita nila Miss. Montreal."
"Pero mali paden ang ginagawa mo."
"Ehh ano bang pakealam mo! pwede ba umalis ka dito sa harapan ko!"
"Bakit ba ang sama ng ugali mo, lagi kang galit."
"Anong gusto mo matuwa ako sayo o sa inyo!"
"Ehh bakit kaba ganyan?"
"Wala kang pakealam nakakairita ka naman!" Pag kasabe niya nun tinapon niya yung sigarilyo niya saka umalis.
May sayad yata yung taong yun. Hays nagpalipas ako ng vacant dun sa garden hanggang sa nag pasiya akong bumalik na sa classroom.
Nag expect ako na papasok si Clyde pero natapos nalang ang klase namen wala akong Clyde na nakita.
"Hi Lhia!" Bati nung isa kong kaklase kaya nginitian ko siya.
"Oh hi? May kailangan ka?"
"Hmm want to invite you sana bukas ng 6pm!" Bukas? Bigla kong naalala na 18th birthday ko na pala bukas kaso lang mukang malungkot nanaman ang birthday ko.
"Hmmm sure wala naman akong gsgawin bukas e." Malungkot kong pag sang ayon.
"Sunduin kita sa condo mo bukas okay? Here eto yung suotin mo bukas. Malaking event yun ng family ko kaya yan ako na nag handa ng gagamitin mo kailangan ko lang talaga ng taong may sense na isasama."
"Hahahaha sige mauna na ako ahh." Dumeretcho ako ng gym ng volleyball pero hanggang matapos ang practice hindi ako pinapansin nung dalawa.
Hanggang sa pag uwi hindi man lang sila nag paalam sakin. Siguro nga people come and go.
Bwisit dapat sanay na ako sa ganun wala naman ng bago e.
INGRID POV
"Nakokonsensya na ako sobraaa!"
"Ako din grabeeeee mababaliw na ako sa hindi pag pansin kay Lhia!"
"Sobra sobra na yung pag iwas ko sa kanya para na akong ewan!"

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...