Chapter Forty Four

48 2 0
                                    

LHIA POV

After ng university week dinagsa nanaman kami ng sandamakmak na school works malapit na ang midterm exam, konti nalang finals na and yeeeeeeeey! 2nd year college na ako!

Mag kakasama kami ngayon sa cafeteria, si Ingrid lang at Clyde ang wala, Clyde texted me kanina na may dadaanan daw siya. Tahimik kaming kumakain ng biglang sumigaw si Khane kaya napatingin kami sa kanya.

"Babeeee!!" Babe? Sabay sabay kaming tumingin sa sinigawan niya. Omooo si Ingrid? Babe? Hala? Pumayag si Ingrid sa babe?

"Babe mo si Ate Ingrid? My ghaaad! Kayo na ba?" Hindi mapakaniwalang tanong ni Allison.

"Tsk! Napakaingay mo Khane!" Pag susungit ni Ingrid. Inasikaso naman siya ni Khane at pinaupo sa tabi niya.

Napasinghap naman ang mga kasama namin ng hinalikan ni Khane ang kaibigan ko sa may sentido. Ako palang yata at si Clyde ang nakakaalam na sila na nga.

"Teka nga! Kayo na ba?" Tanong ni Marvin.

"Oo kami na, kaya ikaw Marvin mag hanap kana din ng bebe mo." Mayabang at nakangiting sagot ni Khane.

"Ginayuma mo yata si Ate Ingrid."

"Hoy! Hindi ko ginayuma yan, kusang nainlove sa akin yan!"

Napuno kami ng tawanan habang kumakain, pero si Ingrid nakatulala lang at nakasimangot.

"Mukang pinag sisihan ni Ingrid na sinagot ka niya, look at her muka siyang nag dudusa." Pang aasar ni Lucas, kaya pati ako humalakhak ng tawa.

"Tumahimik ka nga!"

Binalingan ko ng tingin si Ingrid at tila kinausap ko siya sa mata. Umiling lang siya saka yumuko sa mesa. Kaya naman kinuha ko yung phone ko at nag text sa kanya.

"I'm okay, hindi lang maganda ang gising ko." Reply niya.

Tapos na kami kumain ng dumating si Clyde. Humalik muna siya sa akin bago umupo sa gilid ko.

"60th birthday ng lola ko sa katapusan ng march, and they want me to invite who ever I want. So I invited all of you. Ball party ang gusto nila Mommy." Paliwanag ni Clyde.

"Owww mag ba-ball gown us! Waaah naeexcite ako!"

"Me too! Ano pala theme ng party ni Lola?" Tanong ni Allison.

"Fresh and vintage daw ang gusto ni Lola."

"Woww classical ang datingan, vintage hmm." Sabi ni Lucas.

"Clyde ayokong pumunta." Natigilan sila saka tumingin sa akin.

"Bakit naman? Lola ng boyfriend mo yun."

"Alam niyo naman yung sitwasyon, malamang nandoon ang pamilya ng ex ko, nandun ang kamag-anak nila baka makagulo lang ako sa party." Pag amin ko.

"Baby kasama mo naman ako e. I won't let them hurt you." Hinawakan pa ni Clyde kamay ko to assure na okay lang lahat.

"Saka back up mo din naman kami, sa dami natin ewan ko nalang talaga."

"Ano pang silbi na nag karoon ka ng gwapong mga kaibigan kung hindi ka namin o kayo mapoprotektahan." Biglang sabi ni Jared.

"Oo nga Lhia, hindi ka namin papabayaan." Pag sang ayon ni Marvin.

Nag buntong hininga ako saka nag palumbaba, tiningnan ko si Clyde at puno ng pag asa ang mata niya na sasama na ako.

"Okay sasama na ako."

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon