Chapter Five

96 3 0
                                    

LHIA POV

Wala namang bagong nangyari sa first day of class ko nakagaanan ko naman agad ng loob yung ibang classmate ko. And halos lahat sa kanila galing din sa school na ito. Mga apat lang siguro kaming galing ibang school.

"Lhiaaaaaaaaa!" Nakakabinging sigaw ni Anica ng makita nila akong nag lalakad sa hallway. "Grabe ka naman makasigaw!" Saway sa kanya ni Allison na nakatakip na yung kamay sa tenga.

"Kamusta unang araw sa Windsor?"

"Okay naman maayos naman" Sagot ko.

"Vacant mo na ba?" Tanong nila.

"Oo e mamaya pang hapon yung sunod na subject ko. Kayong dalawa?" Ako naman nag tanong.

"Wala na kaming klase yeheeey! Dahil vacant mo naman taraaa sa gym may practice game ang school natin laban sa kabilang school. Saka para mapakilala kana namin sa mga kaibigan namin na player ng basketball saka para makilala mo nadin boyfriend ni Anica." Pag daldal ni Allyson.

"May boyfriend ka pala Anica."

"Ahh oo taga kabilang school nga lang kaya nga diko alam sino ichecheer ko kapag nag laban laban na mga school hahahaha."

"Kaloka tara na gusto ko din manuod."

Malayo layo pa kami sa gym ng basketball rinig na rinig na namin mga tilian ng mga tao. Grabe practice game palang pero kung maka sigaw na sila parang championship na.

"GOOOOO WINDSOOOOR!!"

"GOOOOO MIKHAAAAAIL"

Napatakip nalang ako ng tenga sa sobrang lakas ng sigawan ng mga estudyante. Agad naman kaming pumwesto sa tabi ng Coach ng team mukang kaibigan din kasi nila Anica at Allison.

"Hi Coach!" Bati nila kaya nakibati narin ako.

"Sino yang kasama niyo?"

"Kasamahan din po namin sa volleyball Coach."

"Hello po Coach, Lhia po name ko." Pag papakilala ko.

"Magaling mamili ng member ang Coach niyo maganda din hahaha."

"Sus Coach crush mo lang si Coach Alexa e." Panunukso nung dalawa kaya pati ako natawa ng mamula yung Coach ng basketball team.

"Manahimik kayong dalawa! By the way I'm Coach Randy nice meeting you Lhia."

"Nice meeting you din po Coach!"

"Captaaaaaain Clydeeeeeeeee!"

Agad akong napalingon sa mga manlalaro ng may sumigaw at tama ba pag kakarinig ko Clyde? Ibang tao naman siguro yung tinutukoy nila. Pero biglang bumilis tibok ng puso ko ng makita ko nga ang pinsan ng ex ko na sumalo ng bola anak ng bakit dito nag aaral to!

Nagulat ako ng makitang tumitig muna siya sa akin bago dinakdak yung bola kasabay ng pag pito ng referee hudyat na tapos na ang laban. 60-62 panalo ang school namin sa practice game.

At hindi padin maalis kay Clyde yung mga mata ko hanggang sa makalapit siya sa may banda sa akin kasama ang ibang manlalaro.

"Hi Lhia! Mas okay yung itsura mo ngayon kesa nung nakaraan na umiiyak ka." Wala akong maisagot hindi padin ako makapaniwala jusko naman bakit kailangan dito pa to nagaaral!

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon