Chapter Thirty Four

55 2 0
                                        

LHIA POV

"Manahimik ka Ingrid! Kailangan pang tanggalin yang tahi mo, bago ka makalabas sa hospital na to!"

"Hindi ako matatahimik dito sa hospital!"

"Still no!"

Natigil lang ang pag tatalo namin ng pumasok ang nurse na nag aasikaso kay Anica.

"Pinapasabi po ng parents ni Ms. Delos Santos na gising na po ang patient."

Inalalayan namin si Ingrid na makaupo sa wheel chair niya, para makasama namin pag punta sa room ni Anica.

Naawa akong nilapitan si Anica saka niyakap ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ni Allison. Naawa lang naman siyang tiningnan ni Ingrid.

"Anica alam mo ba na buntis ka?" Naluluha akong tiningnan ni Anica, kaya nakaramdam nanaman ako ng awa.

"Hinala ko palang, magpapacheck up palang sana ako." Nakangiti niyang sambit. "Buntis ba ako? Lhia? Buntis nga ba ako?"

Tiningnan ko ang parents ni Anica parehas silang naluluha para sa anak nila. Hinawakan ko ng mariin sa kamay si Anica bago ako nag salita.

"Yes Anica you're carrying a baby in your tummy." Sumilay ang ngiti ni Anica pero agad nawala noong napayuko ako.

"Why ganyan ang mga itsura niyo? Did something wrong happen?"

"Anica nakunan ka." Namamaos na sagot ni Allison.

Bumagsak ang balikat ni Anica tapos ay nag uunahang pumatak ang mga luha niya.

"Why? I lost my baby!" Niyakap ko siya ng humagulhol na siya sa pag iyak.

"I'm sorry Anica, kasalanan ko to."

"No Ate Ingrid! Kasalanan to ng pesteng babae na yun!" Umiiyak na banggit ni Anica.

Wala akong maisalita puro awa ang nararamdaman ko, matinding awa at galit para kay Olivia.

"I'll kill that girl!" Nanginginig na sabi ni Anica.

Maya maya pa nag paalam na umalis ang parents ni Anica, para daw bumili ng makakain namin. Tahimik lang kaming lahat at nag papakiramdaman.

Sabay sabay namin tiningnan ang pinto ng bumukas yun at pumasok si Clyde at Jared. Agad akong nilapitan ni Clyde saka humalik sa may sentido ko.

Niyakap agad ni Jared si Anica, binaon niya pa ang muka sa balikat ng kaibigan namin saka nag pakawala ng maliliit na hikbi habang hinahaplos ng bahagya ang tummy ni Anica.

Nagsisimula na din akong maging emosyonal kaya lang natatawa ako sa reaksyon ng mga kaibigan naming lalaki. Hindi ko alam kung sincere sila o ano ba.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Ingrid ng maramdaman ang kabaliwan ko kaya natahimik ako.

"Si Olivia ang may pakana ng lahat."

Napunta kay Ingrid ang atensyon naming lahat. Isa isa niyang pinakita yung pictures sa envelop, nakita ko kung paano maikuyom ni Jared ang mga kamao sa galit.

"Napaka walang hiya ng babaeng yan!" Nangangalit na bigkas ni Jared.

"Kailangan nating sabihin sa head ng POD to! Lalo pa't sa school halos lahat nangyari ang mga insidente." Ani Khane.

"Hindi tayo papakinggan ng head ng POD, si Ms. Rodriguez ang mama ni Olivia." Gulat kaming napatingin lahat kay Clyde.

"Alam mo?"

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon