Ugali na ng tatay ko na gumising ng maagap, pasado 3:00 ng umaga. Magpapalipas ng oras muna habang maagap pa bago sumabak ulit sa panibagong umaga, gaya ng paninigarilyo at pag kakape kahit na sya pa lang ang bukod tanging gising sa aming lahat, di naman iyun alintana para sa kanya. Saktong alas tres na ng umaga, pagkagising nya, dumiretsyo agad sya sa kusina namin at nagtimpla ng maiinom na kape. Ngunit buong akala nya na tanging sya lang ang gising ng mga oras na yun, may nakita syang batang naglalaro ng aking bike, sakto lang para sa limang taong gulang na bata ang binili naming bike. (13 years, ago na ng nangyari ito)Ako lang naman at ang kuya ko ang medyo bata pa noon. Kaya buong akala ni tatay na si Kuya Mark ang naglalaro ng aking bike. Nakasuot ito ng stripe na T-shirt, at maikling short, nasa edad na 5-7 years old. Habang pinagmamasdan ni tatay ang bata, Para bang masaya naman ito habang nasakay sa aking bike na ginagalaw galaw pa ang manibela. Nung mga oras na yun, nagtaka si tatay dahil Alam nyang natutulog pa si kuya mark nun. Kaya naisipan nyang silipin ulit ang aking kapatid sa kwartong tinutulugan nito. Ngunit mahimbing na mahimbing naman ang pagkakatulog nito ,at wala man lang na bakas ng pag alis sa pagkakatulog. Binalikan muli ni tatay ang batang naglalaro, hindi kasi nya man lang nakita ang mukha nito dahil sa madilim ng mga oras na yun. Hindi rin naman nya naisip na ibang bata pala iyon. Pag silip nya muli sa bata,mabilis na tumakbo ito palabas at tumagos sa pintong nakasarado pa.
-unknown
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...