MATAMIS NA PAMAMAALAM
Ito ay Kwento mula sa aking kapatid sa isang matamis na pamamaalam ng aming Ina. Kahapon sinadya ko talagang puntahan si Ate para makipag kwentuhan saglit tungkol sa mga Horror stories. At ito ang nakuha ko sa kanya at tumatak sakin dahil parehas lang kaming pinakitaan sa panaginip ni Nanay. (Kinuwento ko na rin dito dati)
Base sa kwento sakin ni Ate, mga ilang buwan na rin ang nakakalipas ng pumanaw ang aming ina. Sabay daw silang naglalakad papunta kung saan. Suot ni Nanay ang paborito nyang damit sa tuwing namamalengke sya, kulay gray ang kanyang damit na may tatak na 'Bebe' at na tukong ( mababa sa tuhod na maong) na terno ng pang itaas nya at may dala pa itong payong na de-folding. Ang akala ni Ate Totoo talaga lahat ng yun dahil inalok pa daw sya nito ng pera. "May pera ka pa? " may inaabot na pera. "Oh. " tinanggihan lang ni Ate ang Pera at sinabing ,"Hindi na Nanay, bibili na lang ako ng ihaw." Kahit nagtataka sya kung bakit may nag iihaw sa tabi ng ilog. Nag paalam na si ate Kay Nanay " sige na Nanay dito na lang ako. " at lumakad na palayo si Nanay patungo sa tulay na maliit. Makikita mo ang isang malaparaisong lugar na may namumuklaklak na halaman at umaagos na tubig kung para sa kabilang mundo ni ate sa panaginip.
Nakakatuwang isipin na kahit nasa kabilang buhay na si Nanay si Ate pa din ang iniisip nya na nagkataong ding yun ay kailangan nya ng pera Hindi pa din nya Ito tinanggap kahit sya pa lang may pamilya saming magkakapatid. Si ate din ang Bukas ang third eye saming magkakapatid kaya ninais nyang makita si Nanay sa huling pagkakataon ngunit wala kahit anong naramdaman Ito, kaya malaki na rin ang pasasalamat nya kahit sa panaginip ay nagpaalam Ito ng maayos sa aking kapatid na noo'y wala rin kami ni ate ng panahong nawalan na ng buhay ang aming ina.
Yun lang san kahit papano may napulot kayong aral. Ang ating ina ang taong Hindi humihingi ng anumang bayad o sweldo sa pag aalaga nya at pagmamahal sating mga anak. I miss you Nanay ❤
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...