True story 64 : Killer

5 1 0
                                    

Nagpasya ang ina ni Luis na  lumipat sa isang lugar sa Laguna, di ito gaanong matao at medyo gubat pa ang estilo, tahimik at malayo ito sa gulo. Nang makarating na sila sa kanilang paglilipatan, bahagyang  napahinto si Luis at napatingin sa isang abandonadong bahay malapit sa kanilang paglilipatan. At sa kanilang pagpasok ay kapansin pansin na medyo luma na at sira sira na ang ilang gamit na naiwan. Kasama ang kapatid ni Luis, naglibot libot ito mula sa loob ng bahay palabas. Sa unang impresyon palang neto ay di na kaaya aya, tila ba parang may isang bagay na di maipaliwanag ng siyensya. Kinagabihan ay naghanda na sila ng makakain at sabay sabay itong naghapunan kasama ang nag aalaga ng bahay na kanilang pinaglipatan. Sa kasagsagan ng kanilang hapunan ay merong kumatok sa pinto, ngunit patayo palang si Luis upang buksan ay pinigilan na agad ito ng tagapagbantay at sinabing wag magbubukas ng pintuan lalo na sa gabi at bahagya itong kinabahan sa sinabi ng tagapagbantay. Oras na ng tulog noon ng biglang nagring ang kaniyang telepono ngunit dahil sa antok na nito ay di na niya sinagot ang tumawag. Habang natutulog ito ay nakaramdam ito ng paglamig ng hangin at kasabay nito ay nakarinig din ito ng bulong mula sa di matukoy kung san nagmula. Sa kalagitnaan ng kaniyang tulog ay may nakita siyang isang babae na nakatayo at naliligo sa dugo at onti onti itong lumalapit sa kanya at sinabi na umalis na kayo dito kung ayaw mong matulad sakin, dagdag pa nito ay  huwag na huwag daw matitiwala ng basta basta sa kahit na sino. Dahil sa panaginip nito ay nagising ito at sa kanyang pagmulat ay meron siyang isang kwaderno na nakita na nakapatong sa nakataklob na cabinet. Lumapit ito at binuksan, at sa kanyang pagbuklat ay nakita niya ang isang litrato ng isang babae na nakangiti at naalala niya ang babaeng nasa kanyang panaginip. At sa takot nito ay ginising niya ang kanyang kapatid at di nagtagal ay nagising rin ito. Maya maya pa ay naisipan nitong basahin ang nakatala o nakasulat sa kwaderno na naglalahat ng buong pangyayari at misteryong nababalot sa bahay na kanilang tinuluyan. Nakasulat dun na siya ay biktima ng panggagahasa at pang aabuso, at mas lalong nakaramdam si Luis ng takot dahil sa kaniyang nabasa "Nakakalungkot isipin na pati ang sarili kong ama na siyang katiwala ng bahay na ito ay siyang gagawa ng isang malagim at sensitibong bagay sa sarili nitong anak!". Oo, ang lalakeng katiwala ng bahay nila ay isang ama na pumatay at nang maltrato sa sarili nitong anak.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon