True story 72 : Yabag ng mga paa

5 0 0
                                    

YABAG NG MGA PAA

‘’Lyn, baka naman pwedeng pakibantayan muna bahay namin, dito muna kayo matulog ng kapatid mo?”
Hindi naman ako makatanggi sa tiyahin namin sa request nya. Wala kasi silang mapapagkatiwalaan, yun din siguro ang dahilan kung bakit ayaw nilang kumuha ng kasambahay. Paalis kasi sila papuntang Manila ayaw ni tita na iwan ang bahay na walang tao dahil sa mga kaso ng kawatan.
“Sige po tita, pupunta po kami bukas ng maagap sa inyo…’’
‘’Salamat Lyn,’’
5:30 pa lang ng umaga ay nasa bahay na kami nila kasama ang kapatid kong bunso na si Ben. Kailangan kasi nilang umalis habang maagap pa para di sila abutan ng traffic. Nasa labas sila tita at mga anak nito habang naghihintay na matapos si tito Mario na abala sa paglalagay ng mga ibang gamit sa kotse.
‘’Kayo na bahala sa bahay at gamit ah, may iniwan akong pera dyan pang kain nyo ng ilang araw’’ lumapit sya samin at bumulong. ‘’Saka ako na bahala sa Nanay nyo.’’ Na may pasimple pang kumindat saming dalawa.
Kung tutuusin nga eh mag iinarte pa ba kami? Maganda naman at Malaki ang bahay ng tita ko na may dalawang palapag. Kompleto sa gamit kaya halatang may kaya.
Unang gabi na namin sa bahay ng tita ko, kabisado ko naman na ang pasikot sikot ng bahay dahil madalas naman na akong napapapad dito.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan nanood kami sa Tv, mayamaya rin naman ay nakaramdam na rin kami ng antok.
Sa kwarto ng anak ni tita kami natulog Malaki daw kasi kama nito kompara sa ibang silid.
Hating gabi na ng maalimpungatan ang kapatid ko. Bumulong ito sakin ng di ko alam kung bakit.
‘’Ate…’’ tumingin sya sa may hagdan at waring nakikiramdam.
‘’Bakit natatae ka ba? Gusto mo samahan kita?’’
‘’A-ate..naririnig mo ba?’’ nagtataka naman ako kasi wala naman lang ako naririnig na kahit anong kaluskos, tahimik na sa ibaba ng bahay at wala na ring ilaw.
‘’Ang Alin ba bunso?’’
‘’Yung mga yabag ate.. nanggagaling sa ibaba!’’
‘’Mga yabag??’’ kinalibutan ako at mabilis na tumaas ang balahibo ko. Bilang nakakatanda hindi na lang ako nagpahalatang natatakot.
‘’Matulog ka na nga lang ulit at kung ano-ano naririnig mo?’’
Wala naman syang reklamo kaya’t sumunod na lang sakin at natulog ulit.

Mayamaya pa’y…
Ako naman ang nagising at biglang nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa na nanggagaling sa ibaba. Maingat ko namang isinara ang pinto ng bahay kaya’t nakakasiguro akong walang makakapasok na ibang tao.Ang nakakapagtaka, pabalik-balik lamang ito sa kanyang nilalakaran.
‘’Ate naririnig mo na din?’’
‘’Akala koy tulog ka na?’’ napalingon ako sa kapatid kong akala koy tulog na.
‘’Hindi na kasi ako makatulog ulit ate natatakot ako.”
Parehas naming pinakiramdaman ang mga yabag at bahagya naming inilapat ang aming tenga sa sahig.
“Ate siguro babae yung naglalakad ano? At may suot na sapatos na may takong.”
Sumang ayon ako sa sinabi ng kapatid ko.
Kadalasan naririnig namin ay parang nagmamadaling naglalakad at minsan ay mabagal naman. Kahit takot na takot pa rin kami at di makatulog inantay na lang naming na mawala ang mga yabag.
‘’Ate parang wala na ata?’’
‘’oo nga no?’’ nakahinga na ako ng maluwag . Pero akala ko dun na matatapos ang lahat.
Muli akong tinawag ng kapatid ko.
‘’A-ate..” nanginginig na sya takot.
‘’ANDYAN NA SYA!’’ sabay turo sa may hagdan.
Wala akong nagawa kundi yakapin yung kapatid ko kahit kapwa kaming takot sa nakikita namin. Papalapit na sya ng papalapit. Wala itong katawan , kundi ang makikita mo lang ang mga paa nito at ang suot nitong sapatos na hawig na modelo ng sapatos noong unang panahon. Mataimtim kaming nagdarasal na sana mawala na yung nakikita naming mga paa.
Kinabukasan agad naming tinawagan ang tita ko para ipaalam sa kanya ang nangyari.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon