True story 3 : Bangungot

53 0 0
                                    

Kadalasan mahilig akong magbasa ng mga true creepy stories bago matulog noon, kung Hindi sa wattpad ang kinababaliwan ko, kadalasan YouTube din ang puntirya ko para manood ng mga Horror movies. Hindi ako pumapalya sa ganung cycle ng buhay ko tuwing gabi kasi ang sarap kasing i-imagine habang nagbabasa ka o nanood ng nakakatakot. Hanggang sa makatulugan ko na lang Ito.

Junior high school pa lang ako, wattpad talaga ang hilig ko, basa dito, basa doon. Yun lagi Ang ginagawa ko pagkagaling kong school, mas inuuna ko pa ang pag babasa kesa sa pag a-assignment ko. Favorite kong genre sa story ang Horror. kaya nag try ako na maghanap  ng mga true creepy stories na meron dun. Yung iba ,di ako natatakot kasi Alam ko namang di totoo ,pero one time,may nakita ako na compilation ng mga true horror stories, galing sa ibat ibang Tao. Hindi ko alam kung Maniniwala ba ako o Hindi, tuwing gabi yun lang binasa ko. Yun daw ay base sa totoong kwento ng tatay nya. Yun talaga ang kahit kelan hindi ko makakalimutan sa lahat ng mga katatakutan kong nabasa ko. Nakakapandig balahibo talaga kung babasahin mo, kahit ngayon pag naalala ko pa yun, naninindig pa din balahibo ko, kasi parang totoo talaga.

Isang gabing di ko inaasahan, Naalimpungatan ako saglit, di ko Alam na nakatulugan ko na pala yung binabasa ko sa wattpad. So, tumingin ako sa paligid kung anong ng nangyayari. Wala naman akong nakikitang masama, pero di ko lang maigalaw ang buong katawan ko. Pag sinusubukan kong ikilos kahit alin sa parte ng katawan ko, nangingimi ito at lalo akong nahihirapang gumalaw.Kahit ang pag sigaw ay di ko magawa, ni kahit konting boses wala. Parang bigla na lang mawawala yung boses ko pag ibinubuka ko na yung bibig ko. Naiiyak na ako nun, di ko na alam gagawin ko. Sinubukan kong tawaging ang ate ko na katabi ko lang sa kama matulog.Sumisigaw na ako, tanging "At.--?" At di ko na maituloy ang sinasabi ko. Nagdasal ako ng nagdasal, kasi alam ko bangungot lang ito, dinasal ko na sana magising si ate at mapansin ako. Pinangako ko rin na hindi ko na gagawin ulit ang habit ko tuwing gabi. Nag antay ako at pinakalma ko ang sarili ko, umasang baka magising din ako. Ilang sandali , tinawag ako ni ate at inuga ako ng konti.. "Binabangungot ka ba?." Tumango ako,bilang sagot ko. Laking pasasalamat ko kasi ginising ako ni ate, iminulat ko agad ang mga mata ko. Buong akala ko kanina gising ako kasi kita ko ang lahat ng nasa paligid ko, kahit ang maliit na sindi ng ilaw namin sa gabi ay kita ko,mabuti na lang at patulog pa lang pala nun si ate ,kakatapos lang nya manood ng k-drama. Ang sabi nya sakin, kanina pa daw nya akong naririnig na nag uugong. "Hmm...hmm." Kaya nag aalangan syang ginsingin ako. Nung time na yun, tinatawag ko talaga sya nun, kahit di nya ako rinig. Pagkatapos nun, nag dasal ako at nagpasalamat, hinding hindi ko na yun gagawin ulit. Nagsilbing aral na yun sakin. Kung gusto nyo malaman kung ano yung binasa ko, basahin nyo na lang at tapusin hanggang dulo,kung hindi naman, at hindi nyo kaya wag nyo na lang ituloy baka magaya pa kayo sakin. Wag naman sana. Pray po tayo.

Yung binasa ko nga pala nun ay tungkol sa tatay nung author sa wattpad na noon daw ay ginabi ng uwi kasama ang ama nya (lolo),dahil galing sa pangingisda sa dagat. Napatigil sila sa nakita nila, para bang may mahabang prusisyon, kahit dis oras na ng gabi, ngunit hindi tao ang nakita nila, hindi ordinaryong nilalang, nakakatakot, di nila alam kung san patungo, pero ang mas nakakapaningdig balahibo ay ang nasa pinaka huli nito , ang nagsisilbing lider nila, nakasakay sa itim na kabayo ang isang demonyo. Napasalampak sa lupa ang lolo nya at saka nagdasal.

Sleep paralysis nga pala ang tawag dun, kaya sana, kung magbabasa/manonood kayo ng horror, always pray to God, sya lang ang pinaka powerful sa lahat.
Credits dun sa author nalimutan ko na kasi pangalan nya dun. Salamat sa mga nagbasa, sana nag enjoy kayo. Wag pong kakalimutang magdasal.

-DaAdmin

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon