"Ang Mensahe"
Sa isang lugar, may dalawang batang lalaki, sina Isko at Biboy, matatalik silang magkaibigan, palagi silang magkasama sa mga adventures nila. Ngayong hapon na ito gustong pumunta ni Biboy sa sementeryo para mamulot ng mga kandila at magpapasama siya kay Isko. Pero tinakot ni Isko si Biboy na may may multo sa sementeryo. “Alam mo Isko nagsasawa na ako sa mga pananakot mo, bakit ba parati mo nalang akong tinatakot? Alam mo namang hindi ako naniniwala sa multo.”, sabi ni Biboy.. “Bakit naman? Eh halos lahat naniniwala dun eh, andyan nga oh sa likod mo,”sabay turo sa nguso nito. “Ano ka ba Isko!, walang multo, hindi nga natin nakikita eh, kaya bakit ako maniniwala?..”, sabi naman ni Biboy.. “Sige, ganito nalang magpustahan tayo para mapatunayan ko na totoo nga sila at nagpaparamdam, kung sino ang unang mamatay sa atin ay magtext agad”, sabi ni Isko. “Ay naku! Tigilan mo nga ako! Paano magtext eh patay na nga diba?”,sagot naman ni Biboy.. “Kaya nga eh, magmumulto ang isa sa atin kung sino man ang unang mamatay sa pamamagitan ng text”, paliwanag ni Isko. “Sige ba sino tinakot mo, tingnan natin”, sang-ayon naman ni Biboy..
Lumipas ang panahon, nagkahiwalay na ng landas sina Biboy at Isko.
Nakapag-asawa na si Biboy at meron na rin itong mga anak. May sariling vulcanizing shop at ang misis naman nito ay may sari-sari store katabi lang ng vulcanizing shop. Binayayaan ng anak sina Biboy at ang asawa nito, isang babae at isang lalaki. Pero nitong mga lumilipas lang ng buwan parating nagkakasakit si Biboy at natuklasan nitong may prostate cancer siya, stage 3 na at kumalat na ito sa ibang organs.
Samantala, si Isko naman ay nanatiling single sa edad na 35, workaholic kasi ito at walang time para sa social life nito. Nagtatrabaho ito bilang isang call center agent. Ngayong gabi na ito ay sumakay siya ng bus patungo sa trabaho niya, medyo malayo kasi ang inuupahan niyang apartment sa tinatrabahuan niya kaya kaylangan talaga sumakay ng bus. Sa daanan, nang biglang sumabog ang bus na sinakyan niya, may nakatanim palang bomba doon. Lahat ng nakasakay ng bus ay namatay maliban kay Isko na himalang nakaligtas, ni walang tinamong galos man lang sa katawan. Pero sa lakas ng pagsabog ng bus, naisip ni Isko na patay na nga siya kaya agad niyang naalala ang pustahan nila ng kaibigang si Biboy noon at agad siyang nag text dito.“Pre, ptay na aq, smabog ang bus na sinakyan q, pnu b ‘yan pnalo na aq sa pustahan ntin?”, anito sa text. Nagreply si Biboy, “Hndi, mali ka pre mas nauna akong namatay sau, burol q na now, dmalaw k namn, nmatay aq 2 days ago,tnamaan aq ng cancer pre.” Hindi naniwala si Isko sa text na iyon ni Biboy, at dahil nako curious siya, dumalaw siya sa bahay ng kaibigan. Pagdating niya doon, maraming tao at nakita niyang umiiyak ang asawa ng kaibigan niya at mga anak nito habang nakaharap sa isang ataul.. Biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa, nang binuksan ang message:
“Tnx s pagdalaw pre,..”
Nanginig siya sa takot at biglang nabitawan ang cellphone..
Wakas
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...