"UP Sunken Garden (part 2)"
UP Festival nuon, na madalas ginaganap tuwing feb 14. Lagi kaming pumupunta ng mga barkada ko duon para makita ang mga iba't ibang banda. Sobrang saya at maraming tao kaya di ko akalain mae-experience namin ang nakakatakot na pangyayari.
Apat kaming magbabarkada at mahilig talaga kami sa musika at mga banda kaya maaga pa lang ay pumunta na kami. Mga 9pm nuon ng magyaya ang isa kong tropa na kumain muna kami dahil nagugutom na siya, di kami makabili ng pagkain sa loob at ang mamahal kaya naisipan naming maglakad pabalik sa aming lugar para bumili ng pagkain. Marami pa kaming nakakasalong na papunta pa lang ng may humarang sa aming dalawang batang babae, nakabista sila parehas at mga nakayapak, may dala din silang sampaguita at inaalok sa amin. Umiling lang kami at naglakad uli, nag kukwentuhan at nagbibiruan pa kami, medyo nakalayo na rin kami ng may kumalabit sakin, dalawang batang babae uli, parehas ng deskripsyon at inaalok din kami ng sampaguita. "Ay sorry wala kaming pambili" sabi ng isa kong tropa. Naglakad na uli kami, pero sa pagkakataong yun lahat kami natameme. Binalikan ko ng tingin yung dalawang bata at kita ko silang nakatingin sa amin. "Parang sila din yun nakasalubong natin kanina diba? Tanong nung isa kong tropa. Lahat kami sumang ayon pero di na namin pinansin, naisip na lang namin na baka marami lang nagtitindang bata at sinasamantala nila na makabenta dahil maraming tao. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan at paglalakad pero parang may napansin akong kakaiba, huminto ako hinawakan yung isa kong tropa." Bakit bro? " tanong nila." Tignan niyo " sabi ko." Ha? Saan? " reaskyon nila ng may pagtataka. Nginuso ko ang labi ko sa direksyong nakaharap kami. Nagtaka kami lahat dahil nanduon na naman yung dalawang bata na para bang hinihintay kami. Hindi nila inaalok yung iba ng sampaguita at para bang di sila nakikita ng ibang tao. Di kami agad nakagalaw sa kinatatayuan namin dahil tinititigan naming mabuti kung sila nga ba talaga yung nakita namin kanina o hindi. Parehas na parehas talaga, sila talaga yun. Panong mas naauna pa sila sa atin, mga tanungan namin. Lumihis kami ng daan para di na kami masundan nung dalawang bata, medyo malayo na kami kaya akala namin di na kami nasundan. Malapit na rin kami sa amin ng makarinig kami ng may sumisitsit, nagulat kami ng sumigaw yung isa naming tropa at tinuro ang puno na di kalayuan samin. Kitang kita namin yung dalawang bata na nakatayo at nakatingin sa amin, punong puno ng sugat ang buong katawan nila at mukha, ang daming dugo, kalat sa damit nila. Napaupo yung isa kong tropa na hinila namin at agad kaming tumakbo palayo. Nakarating na kami sa lugar namin, pawis na pawis at kulang na lang maihi sa sobrang takot. Di na kami bumalik dahil baka makita pa namin yung dalawa ulit kaya nagpasya kaming umuwi na sa kanya kanyang bahay. Di ako makatulog ng gabing yun kaya't puyat na puyat ako. Kinabukasan ay nagkita kita uli kami at napagusupan yung nangyari, pero sa takot namin ay nilibang na lang namin ang sarili sa ibang bagay para di na namin maalala pa yung masamang nangyari.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...