True story 35 :Ligaw

6 0 0
                                    

NALIGAW
Naranasan nyo na bang iligaw sa lugar na dinadaanan nyo? Yung sobrang layo na pala ng nilalakad nyo pero pabalik balik lang pala. Ang mga Engkanto, Elemento, at iba pang mga lamang lupa na di natin nakikita ay may kanya kanya ring teritoryo gaya din natin.
Ang sabi nila kailangan mo daw baliktarin ang suot mong damit para makapunta ka sa pupuntahan mo, dahil kung hindi mapapagod ka na lang sa kakahanap ng daan na pabalikbalik lang naman.
Kagaya ng naranasan ng Tatay ko nung kabataan pa nya. Noong una dito samin, usong uso ang pag dayo sa ibang baranggay tuwing pista upang mag diwang ng kasagaan sa kanilang baryo na iba't ibang putahe ng pagkaing matitikman mo at iba't ibang tao ang makakasalamuha mo na doon mo lang makikilala , sa pag sapit ng gabi naman ay ang pinakahihintay ng mga kabataan noon sa Bahay Nayon ay ang sayawan.
Ang sabi ng tatay ko, Dadayo sana sila ng sayawan sa kanilang kalapit baranggay dahil dinaanan sya ng kanyang kaibigan na papunta rin sa sayawan. Medyo malayo pa ang kanilang lalakarin dahil aakyat ka pa ng dalawang bundok para marating yun. Ngunit nagtataka sila dahil sa pang huling bubundok na kanilang dadaanan ay waring malayo pa sa katotohanan , ipinagpatuloy na lang nila ang paglalakad hanggang sa napansin ng kaibigan ng tatay ko na "Pare, naliligaw ata tayo?" Wika nya. "Baliktarin kaya natin ang damit natin?"  Dadag ng kaibigan ni tatay. Dahil sa pagod sumunod na lang sila ayun sa kasabihan ng matatanda. Mayamaya pa'y narating na nga nila ang tutok ng bundok at nasilayan na nila ang kabilang baranggay.
Ang kwento sakin ni tatay dun daw sa bundok na yun ay may sadyang nagbabantay na Tikbalang kayat kapag napag tripan ka nyang ilagaw ay gagawin nya , at hanggat di mo ginagawang baliktarin ang damit mo ay di  ka makakaalis sa pwesto mo.
Abangan ang sarili kong kwento na ako mismo nakaranas tungkol din sa mga lamang lupang Nanliligaw sa maliblib na daan.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon