True story 77 : Kapre

2 0 0
                                    

️Kapre
Ano ba ang kapre? Kilala ang kapre sa isang imahe na malahigante na kulay itim ang balat na may dala-dalang tabako sa taas ng puno. Ginagamit itong panakot ng mga matatanda tuwing gabi para hindi na lumayas pa ng bahay ang mga bata pag sapit ng ala-sais ng gabi.
Noong kapanahunan pa ng kabataan ng nanay ko, ang maglaro sa labas ng bahay rin ang kanilang pinagkakaabalahan dahil wala pa namang Flat screen na TV at mga Cellphones na pwede nilang pagkalibangan. Ewan ko ba, pakiramdam ko mas masaya dati at mas enjoy mo pa ang kabataan mo. Kwento sakin ng Nanay ko noon, bago pa lang sumabit ang 6:00 pm dapat ay nakauwi ka na ng bahay para magrosaryo kung ayaw mong mahabol ng palo. Kaya madalas tinatakot din sila ng matatanda sa mga kwento tungkol sa kapre dahil dun naging tampulan din ng takot ng mga bata at kahit ang matatanda  kapag daraan ka sa punong sinasabi nila.
Saktong dadaan sila ng kapatid ni nanay sa puno ng  napatigil sila at naalala nila ang kwento-kwento sa kapre, galing kasi sila sa paglalaro at bago makarating sa bahay nila kailangan muna nilang malagpasan ang isang punong matandang balete. Madilim pa noon sa lugar na yun kaya't makakaramdam ka talaga ng kakaibang takot. Hindi nila inaasahan na mayroong babagsak na upos ng tabako sa galing sa puno, tiningnan nila ang itaas ang puno at nakita nila ang isang maitim at mapula ang mga mata na may hawak pang tabako na umusok pa. Dagli-dagli naman silang tumakbo pauwi ng bahay kasama ang tito ko sa sobrang takot nila.
Makalipas ang maraming taon pinutol din ang malaking puno na iyon at pinagtayuan ngayon ng kombento ng mga madre na may isang gate na malaki na kulay pula.
"Dyan dati nakatayo yung puno ng matandang balete.."
Turo sakin ng Nanay ko. Kaya pala kakaiba yung feeling ko dun sa lugar na yun bago ko nalaman ang tungkol dun. Madalas ko kasing daanan kapag papasok akong school noong elementary at ngayon nakatira na kami malapit sa kombento ng mga madre na pinagtatayuan dati ng puno.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon