Hi po magandang hapon po sayo..may karanasan po ako nung manganganak na po ako sa panganay ko...eto nga po ang maikling istorya ko po..sa lugar ng aking asawa dun nya ako dinala na kung saan akoy nagdadalang tao na at kabuwanan ko pa nun..
Nung araw ko dun sa bahay na tinirahan namin magaswa lagi akong nagtataka sa kapitbahay ko kasi ni isang santo wala makikita sa bahay nila at ni isang salamin wala din,,at napakarami nilang pusang malalaki na mapula ang mata..tuwing gabi hindi ako makatulog kasi parang may nakatingi.n sakin kahit kung saan ako magpunta pakiramdam ko may nakatingin sakin...natatakot man ako pero naglakas loob na lang ako kasi magisa lang ako sa bahay at hindi pa nauwi ang aking asawa...nung time na manganganak na ako kinabahan ako na hindi ko maintindihan kasi nakakita ako ng tao na umakyat sa bubong namin at doon sumigaw ako para huminge ng saklolo sa hipag ko..
Nang manganak na ako hindi ako natulog nung gabing pinanganak ko ang first baby ko kasi alam ko nandyan lang yung gustong kumuha sa anak ko kaya nagbantay ako..kinabukasan iniwan ako ng hipag ko sa bahay dahil sabi nya tatawagin nya daw mga anak nya,,nung time na iidlip sana ako may nakita akong parang kulay abo na mahaba at papunta sa ulunan ng aking baby kaya pagmulat ko dila pala ng aswang ang nakita ko kaya sa takot ko sumigaw ako ng ATE TULONG at bigla naman pasok ng hipag ko at dun nya nakita yung pagbilis ng dila na akala mo sinulid lang at yun nga nakita ng hipag ko sa kabilang bahay na bakante ay may tiktik at dun nya hinampas ng buntot ng paging yung aswang sa kabilang bahay at yun nasugatan ang aswang at bigla itong naglaho ng parang bula..ito lamang po ang aking kuwento salamat po.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...