"UP Sunken Garden (part 1)"
Ako si Rona, nakatira ako sa UP. Nagtatrabaho na ako at busy sa mga work out activities, everyday routine ko na ang mag exercise para healthy living. Hindi ako matatakuting tao pero may nakakakilabot akong experience na ibabahagi sainyo.
May bonggang event sa pinapasukan kong trabaho at gusto kong maging fit yung susuotin kong damit dahil feeling ko hindi kasya sa akin kaya 1 week before that event, i decide to loose weight. Nag set ako ng time na mag jogging before pumasok sa work. 9am ang pasok ko kaya 3am ang set ng alarm clock ko. Pagkagising ko ay nag ready na ako para umalis at pumunta sa UP Sunken Garden para mag jogging, mga 3:30am ng makarating ako duon at magsimulang tumakbo. May iilang tao din na nagjojogging kaya di naman ako natakot. Nakaka lahating takbo pa lang ako ng napahinto ako, hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang pagod. Nasa harap na pala ako ng palma hall, tinignan ko yung buong paligid ko, ako lang yung tao. Ang creepy that time, parang may nakatingin sa lahat ng ginagawa ko, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Tumuloy pa rin ako at nagsimula uli mag jogging, nagheadset ako para makapag focus at ma-relax ang isipan ko. Hindi pa ako nakakalayo ng nakaramdam ako ng sobrang lamig na sumalubong sakin, pero nagpatuloy pa din ako sa pagtakbo, humangin din ng sobrang init pero di ko pinansin. Bahagya bumagal ang takbo ko at tinignan ko ang relo ko kung anong oras na, alas kwatro pasado na. Huminga ako ng malamim at tumakbo uli, napansin kong parang may nakatingin sakin kaya tinignan ko ang buong paligid, walang katao tao, naka headset ako pero rinig kong may tumatawag sakin. Nagpatuloy lang ako sa aking pagtakbo ng maramdaman kong parang may humahabol sakin, huminto ako at tinignan kung sino ang nasa likod ko. Medyo malayo at hindi ko masyado maaninagan, tinitigan ko mabuti at muntik na ako mapamura ng kita ko na siya ng malapitan. Lalaki, tumatakbo siya papunta sa akin, nakangiti siya ng parang demonyo, nakasuot siya ng makalumang damit at duguan, napansin ko ring wala siyang paa at nakalutang siya sa hangin. Parang hindi ako makahinga nuong nakita ko yun, malapit na siya, pero di ko maigalaw katawan ko. Napasigaw ako sa sobrang takot at sinimulang humakbang papalayo, takbo, takbo lang ako ng takbo pero parang hindi ako umuusad, naririnig ko siyang tumatawa. Naiiyak na ako, para na akong mababaliw. Pumikit ako at nagdasal ng holy mary ngunit walang nangyayari, sinasabayan niya lang ako habang tumatawa. Nanghihina at pagod na pagod na ako, ramdam ko na lang na bumagsak ang buong katawan ko. Nagising akong nasa kama ko, umaga na. Tinignan ko ang relo ko at ala sais pasado na, hindi ko alam kung pano ako nakauwi, nakapantulog na damit ako kaya naman bumaba ako para tanungin mama ko kung paano ako nakauwi. "Tulog ka pa ba? Nananaginip ka pa ba?" Tanong ng mama ko. "Ha?" Tanging reaksyon ko. "Ano ba sinasabi mo?" Sabat ni mama. "Nag jogging ako kanina ma, bumangon pa nga ako ng 3am." Sagot ko. "Hahahahaha! Nananaginip ka nga, di ka umalis. Maaga ako nagising, pumasok ako sa kwarto mo at tulog na tulog ka pa nga." Sabi ni mama. Gulat na gulat yung reaksyon ko dahil alam kong umalis talaga ako para mag jogging. Naguguluhan ako sa mga nangyari, di ko alam kung panaginip nga lang ba o totoo. Pumasok ako sa trabaho ng may pagtatanong pa rin sa isip, pero simula nuon di na ako pumunta sa sunken garden ng ganuon kaaga. Pumupunta pa rin ako pero sinisiguro kong may sikat na ng araw at maraming tao. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ba talaga ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorreurAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...