MAKAHULUGANG PANAGINIP
Kahit sino naman sa atin ay nakaranas ng managinip maganda man o masama. Ngunit ang ating panaginip ay may sariling kahulugan ayun sa pinapakita. Maaaring Kabaliktaran man o Katotohanang mangyayari sa hinaharap. Ang panaginip ay isang repleksyon lamang ng ating mga ginagawa at gagawin pa lang, maari ring Babala sa mga posibleng mangyari sa hinaharap.
Kagaya ng karanasan kong Managinip ng mabungian ng ngipin . Ang mabungian o mawalan ng isa o maraming ngipin ay simisimbolo sa hindi magandang pangyayari. Base sa kasabihan ng mga matatanda.
Ang sabi nila kapag nanaginip kaya ng ganoon huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang napaginipan mong mawalan ng ngipin. Ikagat mo daw ito sa isang sandok o sabihin sa isang puno ang napanagipan mo upang mabali na ang pangyayaring hindi maganda.
Kakagaling ko lang sa outing ng mga kaibigan ko ng di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ni hindi na nga ako nakakain ng hapunan dahil sa pagod at alas syete na ng umaga ako nang magising . Nung gabing yun, Nakapanginip ako na nabungian ako ng ngipin , hindi ko alam na masama pala ang ibig sabihin niyon. Ngunit di pa natatapos doon ang masamang panaginip ko. Nakita ko ang sarili ko sa isang kabaong na mahimbing na mahimbing na natutulog. Pakiramdam ko noon ay gising ako dahil alam ko ang mga nangyayari sa paligid ko. Ang sabi sa panaginip ko hindi pa ako pweding makabalik sa katawan ko hanggat di ko pa nagagawa ang misyon ko dito sa lupa. Kung hindi , di ako maaring makabalik pa sa sarili kong katawan dahil di ko natupad ang dapat na misyon ko bago ako mailibing .Sa kasamaang palad , hindi ko daw nagawa ang huli dapat kong misyon kaya nanatili ako dito sa lupa bilang parusa.
Mayamaya Nakarinig ako ng isang boses na naging dahilan ng pagkagising ko. Boses pala iyon ng kaibigan kong si Ronalyn . Laking pasasalamat ko dahil panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Alam kong masama ang ibig sabihin ng mga panaginip kong yun , kaya't natatakot ako sa maaaring mangyari dahil sa sinabi nila.
Ikaw ba naranasan mo na rin ba ang mabungian at makita ang sarili mo sa isang kabaong?(Credits to the owner)
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...