True story 88 : Bantay

2 0 0
                                    

"BANTAY"

Noong Nasa Loob Ako Ng Aming Bahay Ako Ay Nasa Lamesa, Kase Ako ay may Inaayus Na Makina at Tirik ang araw kaya naisip ko na Sa loob ko nalang ito ayusin, at yung asawa ko Naman ay Nasa May Likod Ko Natutulog Sa Mahabang Bangko. Habang Nag aayus ako ng makina ay ako'y nakayuko pero nung Nag aayos ako ay May Naaninag Ako Na dumaan Sa Aking  Harapan at Umakyat ng Hagdan At Hindi ko naman agad ito Pinansin Pero Nung Pataas na Sya Ay Tumingin ako At naabutan Ko nalang ay Paa Kaya Hindi na lang ako nag taka Kase Yung itsura ng Paa Ay pang Babae Kaya Inisip Ko na Ito ay Yung Asawa Ko Lang. Nung may Nakalimutan Akong Gamit ay sumigaw Agad ako at ang sabi Ko "Love Kunin Mo nga yung Tools Ko Jan" at Hindi Pa Ito Narinig At Sumigaw Pa ako "Love Kunin Mo Nga Yung Tools ko Jan!" Sumagot yung asawa ko at ang Sabi sa akin ay "Anu Ba Ang Ingay mo may pag sigaw ka pa eh natutulog lang Naman ako dito sa Likod Mo" at Nagulat ako Ha?? Eh Naaninag Ko na May dumaan Sa Harapan Ko at Akala Ko ay Ikaw yun kaya Hindi Ko Nalang Pinansin. Nagulat Rin Kaming Dalawa. Na Wala Sa Taas Yung Umakyat Na Iyon at sa pag tatanung tanung ko merong Nagsasabi ng totoo or hindi na may Ibinaon daw Doon Sa Aming tinitirhan. Pero Sa Aking Palagay Ay May Nag Babantay Sa amin.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon