Ang kabanata ni lolo inggo at Kapatiran" (huling panimula)
Para sa mga magbabasa nang kwentong ito mag enjoy po kayo, open minded po ako sa mga violent comments at reaction. Pede rin po kayong magbigay ng suggestions batay sa pagkakasunod sunod ng kwento at kasama narin ang mga tauhan sa kwento. Kasi po gagawin ko itong twist ang pagkakasunod sunod ng kwento. Pero kayo po reader's ang bahala. Suggest lang kayo so here we go na wag nang patagalin pa.
Huling panimula chapter 10..
Nagsimula ito nung ang kanyang bayaw ay nagkasakit ng matinding hika dala na siguro nang matinding pag iinum noong kabataan pa lang( by the way mga 60's na sila),at ito na nga sa kadahilanang kulang sa pinansyal- iimbes na dalhin sa ospital, ay sa albularyo nalang nila dinala. Bagamat ang iba ay di naniniwala sa mga ganitong uri ng pangga- gamot at kadalasan ay epektib. At nangyari na nga na dinala nila c lolo peryong bayaw ni lolo inggo. E di ito na nga nangyari dinasalan ito ng latin at sinabihan lang na dapat isa isip muna na isa lang ang paniniwalaan niya at wala ng iba kundi ang sinasamba lang ng albularyo, sinabihan pa sya nito na sa pagkakataong ito wala syang ibang iisipin kundi ang gumaling at maniwla. At ito na nga nung inumpisahan na nila ang ritwal, dasal at mga pausok na nagmumula sa itim na kandila. Makalipas ang ritwal unti unti nang bumabalik ang sigla ni lolo peryong, nakabalik na sila at okay na. Pero makalipas ang ilang araw nakakaramdam na c lolo peryong nang kakaibang nangyayari, minsan nanagyaring madaling araw ay bigla nalang syang nagigising at nkakakita ng kababalaghan, special mention na nga itong," uwak"- para sa mga hindi nakaka alam kung anu 'to, ito ung itim na ibon na nasa bibliya din at isa pa yung mga elementong itim. Lumipas ang mga araw ay patindi ng patindi ang mga kababalaghan ang mga nagaganap, may isang dapit hapon sa may sapa nung nag igib si lolo P, may nakakatindig balahibo ang hindi makakalimutan ni lolo peryong, dahil nakikita na naman niya ang uwak na minsan ng laging nagpapakita at sa oras na ito ay kakaiba na -habang nakatingin ito sa kanya mula sa sulok ng mga damo at may mga sanga unti unti itong lumalaki at sobrang pula ng mata nito habang papalApit ng papalapit sa kanya( imagine guys may nkakatitig sa iyong kakaibang "sa-pat" o serpent) - anu kaya mararamdam mo?. Pero ito ang naramdaman ni lolo peryong hindi sya makagalaw sa sobrang pagkabigla at pagkatakot para baga syang naparalisa, pero tinatagan parin niya ang loob niya. At ito ang lumabas sa mga bibig niya " kung sino ka man na impakto, aniiimaall ka!! lumayas ka. Pero hindi rin natinag ang sa-pat na ito bagkus ay naging mabalasik at mas nakakasindak na titig pa ang ipinapakita pa nito. Unti unti narin itong nagiging parang hugis tao habang lumalapit ito,nagkakaroon ito ng mga paa na tatlo lang ang mga daliri at pawang mga matutulis at ang pakpak nito ay nagkakaroon ng mga animoy mga kamay na ahas, ang mga mata nitong kanina ay mga pula ay mas naging matingkad na pula pa lalo na animo'y mga bagang tutupok sayo anumang oras at nakikita ni lolo peryong ang mga umiikot ikot sa mga mata nito napakaraming animo'y mga uod, at ito ay unti unting nahuhulog sa lupa at habang nangyayare yun ay unti unti rin ng paglabo ng paningin ni lolo peryong at dito na nga sya nawalan ng malay. Pag gising nia nasa bahay na sya ni lolo inggo(ang kanyang bayaw).
Lolo P: Inggo nanu man an nahitabo sa akon?( anu ba nangyari sa akin?)
Lolo i: Hinanap ka ni manay conching( kapatid ni lolo inggo) kc mag gagabi na wla ka pa daw sa bahay niyo eh nag igib ka lang daw sa "bubon" ( balon sa sapa) kaya pinuntahaN agad kita baka kako may nangyari na sayo at hindi nga ako nagkamali,nakita kitang nakabulagta at wala ng mga saplot tapos ang daming balahibo ng uwak sa katwan mo at nagkalat pa ito sa buong paligid at napakarami nito. Anu ba nangyari talaga?
Lolo P: hindi ko na "madumduman"(maalala). Ang mejo nalala ko ay yung parang parang parang...,, di ko na talaga maalala inggo.
Lolo i: o sige "pabayae" na( hayaan muna). Magpahinga ka nalang manoy peryong, pupunta muna ako sa baryo para bumili ng "panakot" (pang halo sa mga pangluto- ingredients, condiments at spices)kc malapit na ang araw ng bagong taon. (So guys tama kayo december ito nangyare).
Makalipas ang dalawang araw normal naman ang mga nangyayari kay lolo peryong, balik trabaho(pagsasaka, pagtatanim) pakiramdam niya ay sobrang lakas ng katawan niya hindi rin sya napapgod kaya ang dami niya nagagawa sa maghapong pagtatrabho sa "uma" ( bukirin). Pakiramdam niya ay parang may nagbabago sa kanya, lumilinaw ang kanyang paningin na dati ay malabo kung sa malayuan , pero ngaun ay kahit sa malayo ay kitang kita niya na at ang lakas na ng pakiramdam niya (instinct kumbaga) matpos ang realasasyon bumalik na sya ng bahay para maghapunan na rin.
Lola conching( misis niya) : o "huna"ko( kala ko) hindi kana magpapahinga eh, aba eh mag gagabi na!
Lolo P: bakit naman?syempre natural uuwi ako para magpahinga.
Lola C: eh kasi kaninang tanghali hindi ka man lang umuwi at kumain nagbaon ka ba ng pagkain mo?
Lolo P: ah hindi 'ko siguro napansin ang oras at saka hindi naman ako nagugutom at saka kung sakaling magutom marami naman makain dun sa uma.
Lola C: parang may nagbago sayo, kasi simula nung gumaling ka sa karamdaman mo na"hapo-hapo"( hika), at doon din sa balon sa mga nangyari. Napakaliksi mo na at parang hindi mo man lang maramdaman ang pagod at may napansin aq sa mga mata mo parang nag iiba ang kulay parang may kung anung bagay na gumagalaw na malilit jan at nag iiba ang hugis ng maliit na bilog sa mata mo.
Lolo P: kumain na tayo kung anu anu naiisip mo at napapansin mo, pumunta ba dito c inggo?
Lola C: hindi naman. Sabi ni epyon( asawa ni inggo) pumunta daw dun sa kaibigan niyang albularyo yung pinag dalhAn sau.
Lolo P: oh bakit may sakit ba c inggo? Ito talaga si inggo hindi nagsasbi para nasamahan ko na sana ,makabawi man lang sa pagtulong niya sakin.
Lola C: ewan ko nga kasi sbi ni epyon wala naman sakit yun at hindi nalang niya tinanong basta gagabihin na daw ng uwi un kasi alam mo naman medyo malayo layo din ,sa kabundukan pa yun ng "marintoc"(lugar sa masbate).
MEANWHILE... Sa kAbilang dako kung saan pumunta si lolo inggo.
Ang albularyo at si lolo inggo.
Albularyo: oh pre napadalaw ka may sakit ka ba ?at medyo alanganin kana nakarating dito mag gagabi na.
Lolo i: ah oo pre kasi may itatanong lang sana aq sa iyo. Diderechoin na kita tungkol to kay manoy peryong.
Albularyo: o kay "nanu"(bakit) bumalik ba sakit niya?
Lolo i: hindi naman may kakaiba kasi nangyari sa kanya nung isang araw lang nakita ko sya sa bubon nakabulagta at wala nang saplot tapos napakaraming balahibo ng uwak.
Albularyo: alam mo naman inggo na ang abilidad na ginagamit namin ay galing sa sinasamba namin na mga kapatiran at lingid naman sa kaalaman mo na iba ito sa sinasamba niyo, ang nakita mong pangyayari ay normal lang , ang uwak ay sumisimbolo sa kalakasan( pagdaig sa normal na karamdaman) at ito ay dominante. Ang uwak na ngaun ang gagabay kay peryong iisa na sila.
Lolo i: pero panung mangyayari yun eh magkaiba sila sa lahat ng bagay.
Albularyo: kagaya nga ng sinabi ko sila ay iisa na ibig sabihin nalagpasan ni peryong ang pagiging dominante ng serpent na ito at hindi siya nagpatinag, malalaman at mararamdamn yan ni peryong ang mga nangyayari sa kanya. At kung mangyayari un siya na mismo ang lalapit dito sakin. At kung sakaling dumating na ang araw na iyon, maaari syang dumalo sa pagtitipon ng kapatiran para malaman niya pa ang mga matatamasang abilidad na nanggagaling at mang-gagaling sa mahal na "usbong" ( matandang uwak na alaga ni noah noong unang lumang panahon).
Bagamat nanindig ang balahibo ni lolo inggo sa mga rebelasyon ng kaibigang albularyo ay ipinag kibit balikat na lamang niya ito at tuluyang nagpa alam na sa kaibigan at humingi nalang ng mga payo sa mga susunod pa na mga mangyayari na magaganap sa kanyang bayaw. Gabi na ng pababa na siya ng bundok at walang ka alam alam si lolo inggo sa magaganp sa pagbaba niya ng bundok..
Abangan po natin guys ang susunod na kabanata at pagtuklas sa sinasamba ng kapitaran at alamin din natin kung paanung uwak na alaga ni noah ang sinasamba ng kapatiran, hindi ko na sasabhin kung ito ay totoong nangyari o kathang isip lang, kayo nalang humusga
Truly Yours,
John Bird
Admin maraming salamat kung maipopost itong kwento ko. Marami pa pong kabanata ang aking ikukwento. BytheWay i'm avid reader po sa page na 'to. Thank you once again.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...