True story 53 : Motorsiklo

5 0 0
                                    

Aug 23, 2019

MOTORSIKLO
Matagal ng itong kwento ito siguro mga kalahating taon na ang nakakalipas . Nag-aalingan kasi akong sumulat tungkol sa Aksidente noong balitang balita . Wala rin naman ako na sapat na dahilan kung totoo man o magkataon lang ang lahat.
Nag simula ang lahat sa kanilang Outing . Mabuti na lang hindi na naisipan ng Asawa ng kapatid ko ang sumama. Ang sabi nila minsan lang kasi sila makompleto at noong oras na yun nila napagkasunduan na pumunta. “Binutas”. ang venue nila , yun lang kasi ang pinaka malapit na Beach resort samin. May kalayuan lang kasi sa kabayanan at mahigit kalahating oras ang byahe kapag mag cocommute ka mula sa bayan hanggang Binutas .  Ang maganda lang dun libre lang ang Entrance at ang poproblemahin mo lang ay cottage at pagkain .
Masayang masayang silang lahat na magkakabarkada sa Party nila . Alas-2 na ng hapon naisipang umuwi nila Jake, Andrew at Mike Sakay sa Motorsiklo at ang ilan sa kanila ay nagpa-iwan sa cottage dahil halos lasing na silang lahat. Habang nasa byahe silang tatlo may pangyayari hindi inaasahan. Bumangga sa isang Garbage Truck ang sinasakyang motor nila Andrew at Mike. Pumailalim sa loob ng Truck si Andrew  at tumalsik naman palayo si Mike na nala angkas nun at bali bali ang katawan. Sa kasamaang palad “Dead on the spot” si Mike. Liblib ang lugar na iyon at medyo madulas ang daan dahil sa Matarik ito at mahirap kontrolin pababa . Hindi nagtagal dumating na rin ang tulong na hinihintay nila. Ang isa pa nilang kasamahan ay ang tanging nakasaksi sa buong pangyayari na si Jake. Tulala itong naglakad pauwi mag isa at iniwan ang motorsiklo sa lugar na pinangyarihan.
“Mike…Drew.”
Ang paulit ulit nyang sinasambit ang pangalan ng mga kabarkada nya, maraming kumakausap sa kanya pero bigo silang makakuha ng sagot mula sa kanya. Kinagabihan ang isa pa nilang kaibigan ay binawian na rin ng buhay. Maraming nabigla sa pangyayaring  ‘yun at di makapaniwala. Noong oras na nakaburol na ang dalawa nilang kaibigan ay napansin nilang umamoy ang isang kandila sa Motor na kanilang ginamit na nakaparada sa labas ng bahay ni Mike. Ang nakapagtataka bakit sa kabila ng na tamong matinding aksidente ay buo pa rin  ang motorsiklo .
Sa huling pagkakataon na masilayan ng asawa ni Mike ang labi nito ay  di sya makapaniwalang ngumiti pa ito sa kanya habang nasa kabaong. Hindi lamang sya ang nakakita kundi ang ibang tao na roon.  Sabi ng asawa ni Mike , gustong gusto daw ng asawa nyang magkaroon ng sariling motor dahilan siguro na nagparamdam ito .
Pagkatapos ng libing napag alamangang may dati na rin itong may  issue noon na aksidente at Dead on the spot din ang dating may ari noon.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon