True story 17 : The falling baby

15 1 0
                                    

Dahil mahal ko ang mga katatakutan readers ko mag u-update ako ngayon kahit bukas may exam pa kami. Wahaha wala pa akong review. Charot. Happy heart's day guys💕love you all.😘
_____________
"THE FALLING BABY. "
Dating namamasukan bilang katulong si mama sa tita ko someone friend nya noong elementary. All around trabaho nya kapalit ng P 50-100 lang na pera sa loob lang ng isang araw. Linis ng bahay, laba,luto,mamalengke,mamalantya. At ako naman palagi kong sinasamahan at tinulugan sa ibang bagay si mama, habang wala akong ginagawa. Tuwing lunes hanggang linggo,nasa bahay kami ng tita ko, lagi kasi silang wala, kaya okey lang kung mag stay ako dun.Libre naman pakain dun, kasama ako ,dahil umuuwi ako sa bahay ng tita ko tuwing tanghali para kumain at bago kami umuwi dun na rin kami pinapakain. Pero kahit ganun, alam nya na lugi pa rin sya kung tutuusin, kalaban ang pagod at sakit ng likod, pero kailangan namin ng pera kaya pinagtitiisan na nya ang kakarampot na sweldo, may pang kain lang kami. Naawa ako sa mama ko noon sa todo pag kayod nya para samin lalo na sakin para lang may maibayad lang ako sa pang project ko. Pero yun din naging pundasyon ko para mag aral ng mabuti mapaltan kahit papano ang pagod nya dala ang medalyang nilaan ko talaga sa kanya.
        Isang araw nagkataon na pinakiusapan sya ng anak ng tita ko na mag alaga sa baby nya. Hindi naman nakahindi si mama dahil naaawa sya sa bata, kahit kulang sa trabaho nya ang perang matatanggap nya ay pinatulan na rin dala na rin ng panghihinayang sa pera. "Ate ikaw na bahala sa baby ko ah. " huling bilin ng ina ng bata sa mama ko sa aalagang nyang anim na buwang sanggol. Tumango tango naman si mama at sinabing "Oo man ,akong bahala sa anak mo. " sabay ngiti nya. Matagal ding naging taga alaga si mama sa anak ng tita ko, halos 4 years din,at dahil dun nasubaybayan nya lahat ang tatlong apo ng tita ko paglaki.
         Habang tulog ang batang nakabilin Kay mama sa kwarto, sinasamantala naman namin ang panonood sa TV, bano kasi ako sa Tv noon, nagkataon na sira at nakikisaksak lang kami sa kapitbahay namin na pinapatayan din kami minsan, kaya di na kami nangahas na ipaayos yung tv.
Mayamaya, nagulat kami dahil nakita mismo ng dalawang mata namin ni mama ang dahan dahang pag baba ng bata sa sahig na may kasamang unan sa ilalim.Dali daling kinuha ni mama ang bata inilagay sa ayos ang bata."Inayos ko naman ang lagay sa kanya eh, saka ang layo naman kung mahuhulog, dapat sa bungad lang kung sakali?."sabi ni mama sakin. Ang nakakapagtataka, isang dipa naman ang layo mula sa pagkakahulog sa higaan ng bata. Kahit anong galos ay wala naman kaming nakita, ang bata pa rin ay himbing na himbang ang pagkakatulog. Kahit ako naguguluhan "pano nangyari yun? Slow motion pa at may kasama pang unan bago mahulog?". Sa tingin nyo guardian angel kaya yun?? Matagal ng nangyari yun pero nag iisip pa rin ako kung may scientific explaination ba dun?
Hahaha. Sensya na napahaba masyado. Gusto ko kasi pag gumagawa ako ng story dito, May Aral na mapupulot yung nagbabasa ng gawa ko. Yun lang. Muaahh 😘
                                                -Admin M.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon