True story 79 : Babae sa gilid ng bintana

4 0 0
                                    

️ANG BABAE SA GILID NG BINTANA
Grade 11 pa lang ako nung bagong lipat lang kami sa bahay at wala pa nun si papa dahil dumalo siya sa isang seminar na aabutin ng isang linggo, kaya kami lang ng kapatid ko at mama ko ang naiwan sa bahay. Habang si mama ang naglalatag sa aming sala kami naman ng kapatid ko ay nanonood ng balita sa Tv. Nakahiga na kaming lahat na may nakalimutan si mama at pinakisuan nya akong kuhain ang gamit na tinutukoy nya na nakalagay sa may sulok ng bahay. Tumayo ako para kuhain pagbukas ko ng pinto napansin ko sa gilid ng bintana namin na may babaeng nakaputi at nakatingin pa sakin. Tumindig ang balahibo ko sa takot at halos nanginginig na ang aking mga tuhod sa nakita ng aking mga mata. Mabilis kong sinara ang pinto sa sobra kong takot. Natulala na lang ako sa kakaisip sa babaeng nakaputi. Ikinuwento ko sa Mama ko ang nangyari ngunit ayaw naman nyang maniwala at sinabi nyang baka guni-guni ko lang iyon. Nagtago ako sa ilalim ng unan ko habang nanonood ng action movie para sandaling makalimutan ko ang aking takot. Kinabukasan naalala ko pa rin ang nakita ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang babaeng nakaputi.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon