AGIMAT
Simula na naman ng pag gunita sa pagpapakasakit ni Hesus Kristo para sating mga taong makasalanan. Ibinuwis niya ang kanyang buhay upang mailigtas tayo sa naghihintay na kapahamakan. Ngunit lingid na rin sa ating paniniwala bilang mga Pilipino ang samut saring mga bagay na mahirap pamiwalaan na mas makapangyarihan daw tuwing Mahal na araw , lalo na kung biyernes Santo, ang mga agimat.
Ang Agimat ang isa sa mga pinaniniwalaan na higit na makapangyarihan sa ganitong mga panahon. Sabi nila kailangan itong dasalan para manatili ang kapangyarihang dulot nito sayo, kundi kusa itong mawawala na parang bula at mawawala ang bisa nito. Kaya maraming mga taong naghahangad nito upang gamitin sa mga bagay na mabuti man o masama. Sa pansirili man o para sa ikabubuti ng panglahat.Paano nga ba nakakakuha ng ganitong kakaibang lakas? :
1. Gintong buhok ng Tikbalang - Ayon sa mga kwentong bayan, magagawa mong pasunurin ang isang tikbalang ayon sa gusto mo, at ituturing ka nyang Panginoon kung magagawa mong makuha ang gintong buhok nito sa kanyang tuktok. Sa pagsapit ng biyernes Santo ng Alas Dose ng gabi , kasabay ang kabilugan ng buwan, kailangan masusing kang Maghintay ng pagkakataon na makita sa isang Batis ang naliligong tikbalang. Nakaupo daw ito habang naliligo kayat ito na ang iyong pinakahihintay para sakyan ang kanyang likod. Ngunit hindi ganoon kadali ang bagay na yun, kailangan mo ng determinasyon para magawa iyon, Gagawin ng lahat ng tikbalang na mahulog ka sa kanyang likod at makatakas. Subalit kapag nakuha mo na ang gintong buhok, kusa na itong yuyuko sayo at tatawagin ka nyang panginoon.
2. Hiyas sa puso ng Saging. - Kung mo naman hindi matamaan o masaktan ng anumang metal gaya ng baril ay kailangang masugid ka na makuha ang hiyas ng saging . Sa pag sapit ng Biyernes santo ng alas dose ng gabi mo lang ito tanging makukuha.Ngunit maraming hadlang bago mo iyun magawa .Ang lahat ng puno ng Saging ay hahadlangan ka sa abot ng kanilang makakaya . Hahampasin ka nila ng kanilang mga dahon upang hindi mo makuha ang gusto mo. Kung maaari kang magdala ng Itak upang matalo ang mga puno ng saging ay gawin mo hanggang sa sumuko sila at ibigay sayo ang pagkakataon na makuha mo ang hiyas ng puso ng saging. Sasaluhin mo lang ito sa pamamagitan ng bibig. Sabi ng mga matatanda ito daw ang pinakamabisang Agimat sa lahat na ginagamit noong panahon ng mga kastila.
3. Pusang itim . - Ang pusang itim ayon satin ay isang masamang senyales ng kamalasan. Ngunit kung nais mong magamit ito upang hindi ka makita ng iyong mga kalaban ay Humanap ka ng isang Itim na itim na pusa at ilibing ito bago mag biyernes santo sa isang Magkasalubungang daan (cross) sa ginta nito at hukayin sa pag sapit ng Alas dose ng gabi ang katawan ng pusang itim. Sa loob ng katawan nito ang nag iisang puting buto , saka mo ibalot sa itim na tela o kayang isubo mo ito at ipasok sa iyong katawan.
Ang mga sumusunod na nabanggit kong Mga maaring gamiting agimat ay base lamang sa kwentong bayan na pinaniniwalaan natin. Nakadepende pa rin sa inyo kung maniniwala kayo o hindi na sabi nila'y nag i-exist sa ating mundo. Kadalasan ring mga Agimat na sinabi ay ginagamit ito ng Albularyo upang manggamot, mangbarang/mangkulam at pumatay ng tao. Totoo nga bang may mga kapangyarihan ang mga agimat? O isa lamang itong kwentong bayan?.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...