True story 89 : Hikari Tsugume

3 1 0
                                    

️Ang kaluluwa ni Hikari Tsugume (噤め光)
Sa isang gubat sa Japan na ngayon ay Mitakihara, may isang pamilyang Tsugume na namumuhay kasama ang iba pa nilang kanayon, marangya ang buhay nila at may apat na anak ang mag asawang Tsugume, sina Kaworu, Mitsuka at Kyoko, masaya silang namumuhay maliban sa ikaapat na anak, si Hikari, simula nang ipanganak siya ay hindi siya itinuring na anak o kapatid ng pamilya nya, siya lang ang hindi nakakatikim ng yaman sa kanilang lahat, ang dahilan, ay hindi daw siya bagay sa pamilya nila dahil sa kanyang nakakatakot na itsura. ngunit hindi talaga siya nakakatakot, iba lang ang kanyang ganda kaysa sa iba. itinatakwil siya ng pamilya niya, at saksi ang mga kanayon niya, pero wala silang ginagawa, december 13, 1680. kinagabihan ay nagkaroon ng nakawan sa kanilang bahay, pinasok sila, itinago siya ng mga magulang niya sa isang tila ataol na lagayan habang ang mga kapatid nya naman at sa lagayan ng damit, napatay ang magulang niya, at kapatid rin. sya lang ang natira, miya miya pagkalabas ng mga magnanakaw ay saktong paglabas nya sa tinataguan niya, siya lang ang di nahalata, kaya nakaligtas sya, kumuha siya ng patalim para proteksyon sana sa kanya at pinuntahan nya ang mga magulang at kapatid niya, wala na ang mga ito, lahat ay patay na, nalalaglag ang dala nyang patalim at niyakap ang mga magulang niya, wala siyang imik at di makapagsalita dahil sa nangyari. kinabukasan ay nakita na lamang siyang nakayakap sa kanyang mga magulang hawak ang patalim at naiyak, agad siyang sinisi ng mga tao sa nangyari nang walang tanong tanong, wala siyang magawa dahil wala ring naniniwala sa kanya. pinarusahan siya sa kasalanang di niya ginawa kailanman. sinabihan rin siyang baka nagawa nya yon dahil nga sa malupit ang magulang niya sa kanya pero mali parin ang ginawa niya, pinarusahan siya gamit ang pambabato habang nakagapos hanggang mamatay, hindi lahat ng tao ay nakiisa sa pambabato, lalo na ang mga kapit bahay nila. wala man lang siyang nakamit na hustisya sa nangyari, itinapon lang ang bangkay nya sa isang hukay sa malaking puno di kalayuan sa kanila. marami rami rin ang naawa sa kanya pero di nila pinahahalata. inilipat ng mga naaawa pa sa kanya ang bangkay biya sa isang maayos na libingan. kaarawan ni Hikari, May 3, 1681. dinalaw siya ng mga kapit bahay niya na naaawa parin sa kanya. ngunit ng dalawin ito sa libingan ay wala na ang bangkay nito, maski ang damit nitong nakakulay itim ay wala. agad kumalat ang tsismis at natakot ang buong nayon. dumalaw lahat sa bahay nila hikari na ngayo'y abandonado na, nandoon si Hikari at nakaupo, nakangiti at nakatingin sa mga taong nambato sa kanya. walang anu ano ay nawala si Hikari, natakot ang mga tao sa nangyari at nagkulong sa mga bahay nila. pagsapit ng gabi ay pinaliwanag ng mga tao ang mga bahay nila gamit ang mga sulu, wala naman hangin at sabay sabay na namatay ang mga sulu, natahimik ang buong paligid hanggang sa may isa isang nagsigawan at sumisigaw na may dumudukot raw sa mga mata nila. at kinabukasan ay nabalot ng takot ang mga natirang tao, nagkalat ang bangkay ng mga taong nakaluwa ang mata at may mga pasa na animo'y pinagababato ng malaking bagay. lumipas ang ilang taon at wala namang nangyari sa natirang mga tao. sa halip, pag dadaan sila sa tapat ng bahay ni hikari ay nagbibigay sila ng galang, minsan ay naroon ang orasyon ni Hikari at ngumingiti sa mga tao, nakikipaglaro sa mga bata ngunit hindi naman nito ginagalaw. ang mga natirang tao lang ay yung mga taong hindi nakiisa sa pagbato sa kanya. magpahanggang ngayon ay sinasabing naroon parin ang kaluluwa ni Hikari at kumukuha ng buhay ng masasamang loob na napapadpad sa lugar nya. at ngayong kapanahunan nito ay naglalakabay ang kaluluwa nya para maghanap ng mabibiktima para alisan ng mata at patahimikin. ang mga biktima niya ay yung mga taong marumi at gumagawa ng mga walang paghuhunos diling mga bagay. naghihiganti parin siya hanggang ngayon di para sa kanya kundi para din sa iba pang mga biktimang pinatay. sinasabing nambibiktima siya sa araw ng kanyang kapanganakan.


binigay lang po ito ng kaibigan ko, tapos tinranslate ko. ewan ko lang kung totoo ba. nagpatulong lang din po ako magpa translate kaya feeling ko po sakto na yung translation. paki correct nalang po.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon