True story 42 : Paalala mula sa namatay

4 1 0
                                    

PAALALA MULA SA NAMATAY
Galing ako sa pagkakatulog at naikwento sakin ni tatay ang nakita nyang kawawang patay na trap sa ginagawang kalsada papunta sana ng simbahan para bigyan na ng huling bendisyon. May kasabihan kasing bawal umatras sa daan dahil para daw may inaantay na kasunod na mamatay, kayat napilitan silang umikot ng malayo papasok sa kabilang gate ng simbahan kung San maayos ang daan. Dahil usapang Patay na rin nga naman naisipan kong ipakwento ang naranasan ni tatay nung time na nakaburol ang Tito ko malapit sa amin na puniralya.
Narasan Ito ng aking tatay noong magkasama sila ng asawa ng kapatid kong babae sa pagbabantay sa burol at sa kandilang sinisindihan nila. Salitan kasi sila nanay noon at tatay sa pagbabantay dahil wala naman kaming ibang aasahan. Noong gabi 'yun sinindihan nila ang kandilang nagsisilbing tanglaw sa Patay. Ngunit habang nagsisindi sila kakaibang kilabot ang nararamdaman nila dahil sa ilang beses na nagbubukas sarado ang pintuan malapit sa Patay. Isang pituan lang yun na maliit ,kasya lang ang isang Tao na kadalasan doon na rin idinadaan ang kabaong diretsyo sa burulan na katapat lang. Malaki ang kwartong yun at may malaki ring Carpet sa ibaba na pinagpapatungan. Noon Hindi pa uso ang St. Peter at iba pang agency kilala natin ngayon, dati sikat dito saming bayan ang puniralyang yun kung saan nakaburol ang aming tito at dinadayo rin ng ibang taga linang na nakikiburol doon. Kung titingnan mo nakakatakot sya lalo na't mag isa ka lang magbabantay sa bangkay na naroon. Bali tatlong palapag ang gusali yun at talagang may kalakihan, dati daw kasi ang ikalawang palapag ay pinagbuburulan din . Ngunit ngayon isa na lang tambakan ng kabaong na import lang sakanila. Humakbang ako ng ilang baitang ng hagdan para masilip ng konti dahil talagang curious ako kung anong meron sa taas, bago ikwento sakin ang tungkol dun.
Hindi rin natin maiiwasang mapaisip na dahil nga sa ilang taon na nilang pagseserbisyo sa Patay ay meron na rin siguro sa lugar na yun na nagpaparamdam.
Pagkatapos nilang sindihan ni tatay at ang asawa ng ate ko ang kandila , dali dali na rin silang lumabas kahit Alam nila sa sarili nilang takot sila pareho dahil sa naririnig nilang tunog ng pituan. Pagkalabas nila sa pasilyo napaupo muna si tatay saglit para Alisin ang takot. Malayo kasi talaga mula sa labas ang kwartong yun palabas at may madadaanan kapang corridor sa sobrang lawak. Sabi ni tatay Hindi daw nya maintindihan kung may bumulong ba sa kanya o kung ano at pinababalik siya sa loob ng kwarto. Sabi ko naman baka tito ko yun na tinatawag siya pabalik. Bumalik nga siya sa kabila ng takot na nararamdaman nya. Pagpasok niya sa loob, ang kandilang sinidihan nila ay lumambot at nabali na nagdulot ng pagbaba ng sindi nitong apoy. Dali dali nila itong inayos at muntik na nga itong maging mitsa ng sunog dahil sa mahulog na ring apoy sa carpet. Nagtataka sila dahil chineck naman daw nila ang mga kandila bago sila umalis, Baka daw kasi mahinag klase ang nabili naming kandila kaya madaling nabali ang kandila at umagos pababa ang apoy. Pagkatapos niyon, pakiramdam daw ni tatay ay parang di na lumalapat sa sahig ang kanyang paa sa sobrang takot .
Habang ikinukwento nya sakin kanina ramdam ko pa rin ang takot na naramdam nila kahit ilang taon na rin ang nakakalipas. Pakonti kong biniro si tatay, "Tay, kwento ko ito sa page ah. " sabay tawa ko ng bahagya. Wala syang na isagot kundi tumawa na rin dahil sa naransan nya.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon