True story 81 : 11:30 pm

5 0 0
                                    

️11:30 pm
Okey kaway kaway mga k-dramatics dyan, sa mga handang magpuyat matapos lang yung episodes. Bahala kayo malalaki na kayo Hahaha. So ganito yun, nagpaalam na yung ate ko matulog kasi sumuko na sa panonood namin ng k-drama. Uso pa nun yung Bala (DVD) sa portable kaya tyaga kami sa hiram at bili ng mga DVD. Sa lahat ng kasama ko tulog na, ako naman  pakealam ko dati kung wala akong kasama na gising kaya gora pa sa panonood ang lola nyo. Sumilip ako sa orasan namin at 11:30 pa lang naman at kaya ko pa magpuyat. Habang abala ako sa panonood ko di ko pa nga tatapos yung isang episode biglang may narinig akong kalabag ng pintuan namin. So di ko na lang pinansin kasi baka pusa lang yun o kaya aso namin nagagalaw lang yung pintuan gawa ng bakal ng tali. Akala ko mawawala na yung narinig ko pero mayamaya narinig ko ulit na ginagalaw yung hawakan ng pinto namin, bali yung pinto namin malapit sa tinutulugan namin ni ate at kalapit din nun yung pinagsasaksakan ng portable kaya rinig na rinig ko yung ingay sa pintuan. Natakot na ako kasi di pa rin tumitigil yung paggalaw ng hawakan ng pintuan parang gustong buksan na parang pinaglalaruan lang naman. Inisip ko na baka magnanakaw yun kaya nanginginig na ako sa takot nasa bungad pa naman ako ng pinto. Hininaan ko muna yung volume ng pinapanood ko at hinihintay ko na lang yung kasunod na mangyayari. 5 minutes na patuloy pa rin ang ingay. Sa sobrang takot ko hinigit ko na lang bigla yung cable at natulog na. Kinabukasan kinuwento ko sa ate ko ang narinig ko, tinawanan pa ako at sinabing "Ayan puyat pa, pinapatulog ka na daw at ang hilig mong magpuyat."  Sa isip ko sige pag ikaw naman pinaramdaman nun. " sige ate ha, tutulog na ako ng maagap bahala ka na dyan." Gaya ng sinabi ko at sa takot ko natulog nga ako ng maagap (bait ko diba?) Pagkagising ko nagkwento naman si ate sakin. " Oy Diane, narinig ko rin yung sinasabi mo sakin kagabi." Kaya sagot ko naman "Oh diba sabi ko sayo eh, ayaw mong maniwala sakin, yan tuloy nagparamdam din sayo." Sabay tawa ko sa kanya. "Mga anong oras yun ate?" Tanong ko. "Hmmm.. siguro mga 11:30 yun." Nangilabot ako kasi ganun oras ko rin narinig.
Ps. Di ko sinabi yung exact time nung sinabi ko kay ate tungkol dun sa narinig namin.
Ang natutunan ko sa karanasan ko dapat di na dapat magpuyat kaya patuloy pa rin akong nagpuyat hanggang ngayon pero nung time na rinig namin yun syempre tulog agad ng maagap pinalipas ko lang. Btw wala naman na kaming narinig pagkatapos nasira lang yung cable namin suri..

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon