Story 4 : Tampo
Part 1
Nakaranas na ba kayo na paramdaman ng isang taong namayapa na dahil sa hindi ka man lang sumilip sa lamay nya?. Noong namatay ang tito ko, yung ate ko kasi di pa bumisita sa burol ng tito ko kasi di makapunta at pagod pang galing sa trabaho, kailangan rin kasing may magbabantay sa bahay at di pwedeng maiwang walang tao. Pero dahil sa kagustuhan ng tito naming namatay nagparamdam daw ito sa kanila. Alam siguro ng tito ko na kailangan ni nanay ng kapalitan na magbabantay naman sa burol nya at pagod na pagod na si nanay noon, hindi kasi sa bahay binurol ang tito ko kundi sa mismong funeral home. Takot din kasi ang mga kapatid kong bumisita at medyo creepy kasi ang lugar na yun. Nang sila na ang matira sa bahay bigla daw pinatay at ulit ang switch ng ilaw ng walang ibang pumipindot noong tao pero narinig nila click ng pindutan ng switch kaya kinabukasan sinabi ng mga kapatid ko ang naramdaman nila kay nanay.
"Pumunta kasi kayo dun.. di pa kasi kayo bumibisita eh."
Ayun, kahit napipilitan sila at natatakot pinilipit pa rin nilang pumunta saglit dun at umalis din agad.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...