Anino (part 2)
2015 nuon, buntis ako sa unang anak ko. Alam mo naman pag buntis, laging tulog. Lagi lang ako nasa loob ng bahay at hindi ako masyado nalabas. Lola ko lang at mga tita ko kasama sa bahay pero nasa labas silang lahat kasi sobrang init. Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian ng makaramdam ako ng sobrang antok, pumasok ako sa kwarto namin para matulog, kahit mainit. Mga ilang oras din ako nakatulog ng maalingpungatan ako, kinuha ko yung cellphone ko sa ulunan ko, tinignan ko yung oras, kung hindi ako nagkakamali mga mag aalasingko na nuon. Umayos ako ng higa at humarap sa pader para matulog uli, pero ipipikit ko pa lang yung mata ko na may makita akong malaking aninong sumaklob sakin. Napatayo ako at tinawag ko yung mga pangalan ng kasama ko sa bahay, pero wala naman nasagot, sa sobrang antok ko, di ko na pinansin at bumalik sa pagkakahiga. Wala pang 10minutes ako nakaka idlip ng may pumalo sa hita ako, napabalikwas ako at hinanap ng tingin kung sino ang may gawa, pero ako lang mag isa sa kwarto. Lumabas ako at tinanong lola ko kung may pumasok ba sa loob kanina, hindi daw niya alam, sabi niya. Kaya napakamot ako ng ulo at kumunot ang nuo, "Bakit?" Tanong ng lola ko, "may pumalo kasi sakin", at ng inangat ko yung hita ko, nagulat ako kasi makat yung malaking kamay. Nagalit lola ko nung makita at tinanong yung mga tita ko kung sino ang gumawa, pero ni isa sakanila walang nagsabi pumasok sila sa loob, ang nakakapag taka pa ay maliliit ang mga kamay ng tita ko kumpara sa kamay na makat sa hita ko. Pumasok lola ko sa loob ng bahay at nagsaboy ng asin sa lahat ng sulok ng kwarto. Simula nuon hindi na nila ako iniwan sa loob ng bahay ng mag isa hanggang sa nanganak ako.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...