True story 80 : Umiiyak

3 0 0
                                    

Sa bayan ng Tagkawayan sa paaralan na aking pinapasukan sa SNHS , Grade 7 pa lang kami na may mga kwento-kwentong katatakutan. Halos lahat naman sa atin ay may kanya-kanyang experience na nakakatakot  sa paaralan na ating pinagmulan. Mayroon daw na namatay sa amin at hanggang ngayon hindi pa rin ito makatawid pa sa kabilang buhay. Noong una hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi nila. Noong Grade 9 na ako ginabi ako ng uwi at napadaan ako sa paaralang pinapasukan ko. Habang papalapit ako ng palapit naningdig ang balahibo ko sa takot kaya't hindi na lamang ako tumutingin sa paligid ko at patuloy na lang sa paglalakad habang nakayuko. Akala ko wala na akong mararamdamang iba ngunit ng nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko nakarinig ako ng umiiyak na babae at parang padabog na isinasara ang bawat pintuan ng silid aralan. Kahit ako'y natatakot pinilit ko pa ring bagtasin ang daan palabas ng aking paaralan habang kumakanta ng christian songs at doon din ay napaltan ang takot ko.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon