"BULONG"
Nung gabi biglang nag chat sakin kapatid kong babae. Mukhang takot na takot.
CONVO namin sa Chat
Ate ko : "Kanina pa tumatahol si Tofie dito sa may CR namin..wala namang tao."
Ako: "Bakit?" Sagot ko. Alam ko kasing matatakutin din ate ko.
Ate ko: "Ewan ko ba.. Umakyat na nga ako sa taas natatakot na ako. Mag isa pa naman ako dito tulog na si Kiel."
Ako: "Yung asawa mo?"
Ate ko: "Wala naka Duty umalis na kanina pa."
Dahil sira ulo ako tumawa pa ako kasi gusto kong takutin lalo.
Ako : "Lagot HAHAHA"
Nag chat na lang kami ng iba para ma Divert na yung takot nya.
Kinabukasan kami nag kwentuhan ni ate at pumunta pa sya dito sa bahay para dun.
***
"May narinig ako kagabing bumulong sakin". Pasimula sa kwento nya.
"Baka naman sa kabitbahay lang yun?Diba sabi mo tumatahol si Tofie?" Tanong ko.
"Ganito kasi yun... Nanonood ako ng TV, bigla na lang tumahol sa harap ng CR si Tofie .. parang may kaaway ...pag tingin ko , wala namang tao? Sinaway ko si Tofie kasi natatakot na ako sa tahol nya tumigil naman."
Simula pa lang nangingilabot na ako sa kwento ni ate.
"Mayamaya.."
"May narinig akong sitsit."
"PSST...AAHHH"
Dahil curious ako tinanong ko kung anong klaseng boses yung narinig nya.
"Parang yung boses nya galing sa ilalim ng lupa."
Putek tumaas balahibo dun promise!
"Umakyat na ako sa taas kasi natatakot na ako sumakto pang kakaalis ng asawa ko kasi papasok na yun ng 10 pm..."
"Akala ko di ko na yun maririnig or baka guni guni ko lang yun kanina pero. Ramdam ko! Malapit na sa Tenga ko yung boses."
"PSSST..AAHHHHH"
"PSSST ... AAHHHH"
"PSSST...AAAHHHH."
"Ilang beses ko yun narinig .. alam ko hindi yun basta galing sa kapitbahay kasi busy rin sila sa panonood noon."
Naalala ko yung araw na yun, kadalasan lumalabas ang spirits or mga laman lupa tuwing Friday, tuesday at sunday . Saka nalalapit na rin kasi ang undas nung mga oras na nangyari yun.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...