"TAWA"
Tuwing gabi nakaugalian na naming tawagan ang isat-isa dahil iyon na lamang ang tanging kumikasyon ng girlfriend ko dahil nasa malayo sya. Mga bandang alas 6:00 ng gabi ng muli kami ulit mag usap busy rin naman kami parehas sa umaga dahil parehas naman kaming may pinagkakaabalahan. Habang kumakain sya noon sa kanilang hapagkainan sandali ko muna syang kinamusta, sumagot naman sya ng okey naman. Akala ko ordinaryong gabi lang iyon samin. "Anong nakakatawa?!" Pagalit na tanong nya sakin nagtataka lang ako kasi hindi naman ako tumatawa noon dahil abala ako sa paghigop ko ng gatas habang nakatambay ako sa nakaparadang tricycle kaya sumagot ako ng "Ha? Hindi naman ako tumatawa ah" pinaggigiitan pa rin narinig nya akong humalakhak . " Eh sino yung narinig ko kanina?ikaw lang naman kausap ko diba?" Hinayaan na lang namin at iba na lang napausapan namin. Hindi pa nagtatagal ako naman ang nakarinig ng humahalak kaboses nya mismo kaya tinanong ko sya agad "Bakit ka tumatawa?" Napatahimik sya bigla at sabay sabing "Hoy di ako tumatawa seryoso nga ako ditong kumakain" nagbiro pa ito dahil parehas namin narinig ang tumatawa habang kausap namin ang isat isa na ginagaya ang boses naminMatapos naming marinig iyon at parehas kaming nagtaasan ang balahibo sa takot mas minabuti na lang namin na ipabukas na lang usapan at makalinawan. Kahapon lang na ulit ang pinagkaiba lang mahinhin itong tumawa ng "He-he" akala ko talaga sa boses ng girlfriend ko iyon habang ka video-call ko sya, naririnig ko pa ngang naglalaro sya kaya nagpaalam ako na magbibihis muna, pagbalik ko ng higaan saktong paglalagay ko ng earphone nakarinig ako ng tumatawang babae na mairiing itinanggi naman ng girlfriend ko na sya yun. Sabi ng kuya ko meron daw kaming kasama sa bahay isang lalaki at isang babae na mismong nasa kwarto ko daw nakatira baka sya yung naririnig kong tumatawa habang magkausap kaming dalawa ng girlfriend ko.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorreurAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...