True story 78 : Anting-anting/Agimat

4 0 0
                                    

ANO NGA BA ANG PINAGKAIBA NG ANTING-ANTING SA AGIMAT.
Ang anting-anting ay isang mutya na nakukuha sa kalikasan na nagtataglay ng kanilang kapangyarihan, depende kung saan mo ito nakuha na  pwedeng makatulong sa iyong pang araw-araw na buhay, ngunit hindi mo ito madaling makuha dahil kailangan mo muna itong pagtityagaan at paghirapaan upang mapagtagumpayan ang isaasam mong kapangyarihan. Sabi nila maaari ding maibigay sa iyo ng isang diwata na kung kakaibiganin mo at depende sa mabuting kalooban mo.
Ang agimat ay kilala na isang medalyon o isang bagay na maaaring gawin lamang ng tao. Saka lamang ito magkakaroon ng kapangyarihan sa dasal at orasyon na iaalay mo sa kanya. Kapag hindi mo ito na ituloy-tuloy na alayan ng dasal maaari sayong maibalik ang kamalasan o mabaliw ka na lang bigla.
May kwento ang tatay ko tungkol sa Nanay ng nanay nya (Lola nya) na dati daw ay mayroong Anting-anting ito kaya nahirapan daw ito bago mamatay dahil wala pa syang mabigyan ng anting-anting nya. Gusto nya sana itong ipasa sa mga anak nya ngunit ayaw nila itong tanggapin. Sobra sobra ang hirap ng dinanas nya kaya kung napapansin nyo kadalasan ang mga matatanda noon ay napakahaba ng buhay dahil yun sa anting-anting na dala-dala nila. At kung naipasa na nila ito at may tumanggap na sa kanilang kamag-anak ay matiwasay naman silang mamamatay pagkatapos nilang iluwa sa kanilang bibig, at kung hindi naman pagkatapos ang pagpapahirap sa may-ari ng anting-anting saka nya lamang ito maiiluwa at matutunaw na lang bigla.
Mabisa ang mga anting-anting at agimat sa ganitong panahon lalo na sa biyarnes santo sa katunayan noong unang panahon uso sa mga tao na makipagtagisan ng kanilang mga anting-anting at agimat. Nakakamangha dahil sa iba't iba ang makikita mong kakayahan na di ordinaryo. Pananampalataya ang susi sa mabisang kapangyarihan na nais mong makamtan dahil kung meron kang pag aalinlangan ay magiging walang saysay ang lahat ng orasyong dinadasal.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon