True story 6 : Hukay

27 0 0
                                    

Hindi ko ito sariling kwento .Base ito sa kwento ng aking kapatid na si kuya Harvey. Tungkol sa nagbabantay ng Hukay na pinag-iigiban namin ng tubig. Sa tingin ko mga 12 years old pa lang ata si kuya nung time na naranasan nya ito.
Inutusan ni Mama ang aking kapatid na si kuya Harvey na mag igib ng tubig sa tapat ng bahay namin. Ang pagkaka-describe sakin ni kuya sa hukay, Malaking butas lang noon yun ,kasyang kasya ang ilang bata na walang makakapansin kung mahuhulog man ito , hindi pa rin semintado ang hukay namin noon at kapantay lamang ito sa lupa, dahil sa marami ng umiigib na mg taga dito samin at dahil sa kaligtasan na rin ng mga umiigib, inaayos na at ginawang "poso negro.", tinakpan na ang talagang hukay(isang dipa ang pagitan mula sa Poso negro) para mapanatiling malinis ang tubig na dumadaloy roon. Isang araw habang umiigib sya ng tubig,dahil sa bigat ng timbang hinihigit nya pataas, ay nawalan sya ng balanse sa katawan, kaya nahulog sya sa tubig. Pag katapos nun, wala na syang naalala.Wala na sya na sa hukay na Nagising na lang sya na nakahiga na sya sa lupa at basang basa ang kanyang buong katawan. Buong akala nya na hindi na sya mabubuhay pa dahil sa alam nyang di sya marunong lumangon pa noon. Kaya himalang nakaalis sya sa Hukay na wala man lang tumulong sa kanya. Kakaunti pa lang ang mga taga rito samin at ilang pagitan pa bago ang mga kapit bahay namin,kaya imposibleng may makakita agad sa kanya. Nagising sya na walang Tao sa paligid at bukod tanging sya lang ang naandun. Tandang tanda nya talagang nahulog sya kasabay ang timbang dala-dala nya na may tubig. Ngunit hinanap nya iyun pero wala na ,lumubog na sa malalim na hukay ng tubig. Umuwi sya sa bahay at tinanong ni mama ,Waring nagtataka , "Anong nangyari sayo, at parang naligo ka?" Ikiniwento naman nya ang nangyari sa kanya Kay mama. At ang sagot mama. Ni mama, sabi daw, meron talagang nagbabantay sa hukay na yun. Parang diwata. Dahil siguro bata pa si kuya noon, baka naawa daw ito at iniiligtas si kuya mula sa hukay. Nagpapasalamat si mama dahil sa kabutihang loob ng nagbabantay roon.
-M.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon