True story 59 : Tito

4 0 0
                                    

Story 2 : TITO
Sa una kong kwento about sa karanasan ng Lola ng classmate ko. Ito naman ay karanasan ng Mama nya mismo. Bored kasi kami kaya naisipan naming mag kwentuhan muna habang nasa canteen kami dahil hindi pa kami pwedeng umuwi.
"Alam mo ba malakas ang pakiramdam ni mama sa mga multo... May namatay daw kasi syang Tito."
Base sa pagkakwento nya yung mama nya ihing ihi na at noong mga oras na yun ay lamay din ng Tito nya. Ang bahay kasi noon ay yari sa kawayan at may silong sa baba ng bahay na pwedeng pagpahingahan ng kung sino man. Dahil sa ihing ihi na sya dumiretsyo na agad sila sa kusina kung saan malapit doon ang palikuran. Habang nasa loob sila ng palikuran nagulat siya dahil may nakita siyang tao sa pagitan ng dikit dikit na kawayan na sahig ng bahay ng tito nya. Nakangiti raw ito sa kanya habang umiihi sya at para bang nagpapahinga lamang ang tito nyang namatay sa silong sa baba.
Nagkabiruaan pa kami ng classmate ko sa kwento nya.
"Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o matatakot sa kwento ni mama , kasi baka nakangiti daw ito sa kanya kasi nasilipan sya ng tito nya..."
May pagkaloko loko kasi yung classmate ko, pero alam namin sa isa't isa na mga takot na kaming dalawa.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon