True story 83 : Lumulutang na ataol

4 0 0
                                    

️LUMULUTANG NA ATAOL
Luma na ang dating bahay ng Tatay ko pero hanggang ngayon nakatayo pa rin at buhay na buhay pa rin ang desinyo ng bahay. Sayang nga eh kasi naipagbili na nila yung bahay na yun nung mamatay ang Lolo ko may pagkagahaman kasi ang mga kapatid ng tatay ko bali kapatid lang nila sa Ama.
Noong bata pa daw sya inutusan daw sya ni lola na kuhain ang sigarilyo sa may altar dahil abala sa pag susugal sa ibaba. Noong nakuha na nya yung sigarilyo nakita daw nyang lumulutang ang ataol sa harap nya kaya dali dali syang tumakbo at umiiyak sa takot sa nanay nya sabi ni Lola baka daw guni guni lang yung nakita nya dala na rin ng takot. Yung bahay na yun kasi kilala ng mga taga doon lalo na ng mga taga linang (bundok) Nakikiusap kasi sakanila na iburol muna sa bahay nila kahit na hindi nila kakilala pa. Wala silang tinatanggihan dahil mabait naman ang lola ko. Maraming naiburol na roon at di mapapagkailang baka meron ngang nagpapakita doon.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon