MAANAYO
Naniniwala ba kayo sa kasabihan ng mga matatanda na "Wag kayong turo ng turo baka kayo maanayo" . Ang salitang "Maanayo" ay tumutukoy sa isang nilalang na marahil ay Hindi natin nakikita ngunit sila'y tayo ay nakikita o mas kilalang Engkanto. Madalas kapag sila'y nasasaktan na gawa ng tao , sinasadya man natin o Hindi. DOBLE o TRIPLE pa ang balik satin na ganti depende sa ginawa mo at kung gaano kasama ang engkantong nakasalamuha mo.
Ang totoo hindi pa talaga ako nakakakita ng mga nilalang na tulad nila. Pero madalas na sabihin sakin ng nanay ko na magpasinsabi ako sa nuno. "Tabi tabi po.. " yan lagi kong sambit kapag ako ay naglalakad sa Magubat, maliligo sa ilog o kahit sa tuwing babanggit ako sa kakaibang mga bagay na kikita ko sa paligid. Marami satin naniniwala sa ganitong kasabihan base sa sinasabi satin ng matatanda.
Bumisita ako noon sa kaibigan ko at noon ay nakitang hindi sya makalakad ng maayos.
"Bes na 'pano ka? " tanong ko habang nakatingin ako sa paa nyang hinihila.
"Eh kasi bes nag limas (aalisin ang tubig) kami ng ilog ni mama kahapon, naayo yata ako pati nga si mama masakit din ang paa. "
Nung panahon na yun tag tuyot pati ang ilog nila wala na ring tubig. Kaya gumawa sila ng hukay na pwede nilang pag kunan ng tubig kaso lang may tumatalon daw na palaka dun sa bukal na yun na kinukuhaan nila ng inumin kaya naisipan ng mama ng kaibigan ko na alisan muna iyon ng tubig.
"Hala pa suob (mag gamot sa albularyo) ka na baka naanayo kayo.. " sabi ko na bakas ang pag aalala.
"Kaso bes wala pa kaming pera eh pamasahe rin papunta dun." Paghihinayang nya.
Makalipas ang ilang araw binisita ko ulit kaibigan ko nakita kong okey na ang paa nya.
"Oh bes okey ka na? "
"Oo.. Naanayo nga kami sabi ng albularyo , babae daw nakita nya."
"Yung mama mo okey na rin? Ano ba kasing ginawa mo sa ilog?"
"Okey na rin si mama , pagkatapos nga kami gamutin kinabukasan hindi na masakit yung binti ko . Habang nililimasan ni mama yung hukay sa ilog gamit ang tabo ako naman sinisipa ko naman... Baka daw may nasipa daw ako noon kaya sumamkit paa at binti ko. "
"Diba sabi ko sayo meron ngang nagbabantay sa ilog nyo. " sabi ko.
Hindi ko naman sila nakikita pero pakiramdam ko talaga may nakatingin habang dadaan ako sa tulay ng ilog. Related ito dun sa kwento ng papa ng kaibigan ko na ang title "TULAY" . Hindi lang naman ako ang nakakapag sabi na "meron" dun na nagbabantay nabanggit sakin ng kaibigan ko na may nakakakita daw dun.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...