True story 82 : Science Building

3 0 0
                                    

️SCIENCE BUILDING
May mga karanasan ka rin ba sa iyong pinasukan/pinapasukang paaralan?. Ako kasi meron at alam ng lahat ng estudyante at teachers doon ang mga kwentong katatakutan.
1946 noong itinayo ang paaralan namin, grade 7 pa lang kami marami na kaming naririnig na kwento kaya nauuwi sa takutan, dagdag pa ang mga lumang establisyemento na nakakapanindig balahibo kapag ikaw nag-iisa sa gitna ng hallway. Bali yung kwento ko ay nanggaling pa sa kwento ng kaibigan ni ate na nag aral din sa dati kong pinapasukan high school. Nag iisa raw noon ang kaibigan ni ate na pangalan na lang nating "tinay" nagkataon kasing nasa Science building sya habang naghihintay ng kasama pauwi. Sa loob ng establisyemento na ito ay ang mga fetus na nakalagay sa garapon bilang bahagi sa pag aaral ng isang estudyante. Maraming kwento na maraming nakakarinig sa mga iyak nito kaya kailangan sa loob ng isang buwan ay madasalan ito. Noong nasa labas si ate Tinay napansin nyang may tumulo sa kanyang ulo at nang tingnan nya ito, isang likido na laking ikinagulat nya. Nanggagaling iyon sa kisame ng Science building ngunit ng sulyapan nya ulit ito nawala na lang bigla ang dugo.
Sa karanasan ko naman, Grade 7 kami ng mapadpad kami sa science building . Noong nag aaral na kami naparenovate na ang building na yun at ginawa ng classroom na nahahati sa dalawa. Katanghaliang tapat, hindi kasi kami umuuwi dahil kasali feeding program (sensya na payat kasi talaga ako😅) pagkatapos naming kumain sa canteen tumambay muna kami sa classroom ng teacher namin sa filipino, kaclose kasi namin yun kaya okey lang. Ang dahilan kasi talaga meron kaming pinagkakaabalahan, ang maglaro ng mga game boards. Bali dalawa lang kami noon kasi yung iba naming kasama kumakain pa. So naglaro muna kami, habang naglalaro kami nabanggit ko yung kwento tungkol sa science building na naririnig ko. Nagalit yata sakin at ang ingay ko kaya mayamaya biglang namatay yung ceiling fan namin tapos natumba din yung ibang game boards na nakasandal sa gilid ng pader ng wala man lang hangin na malakas o di kaya baka nadagil lang namin dahil sobrang layo namin. Dahil sa takot nag unahan na kami palabas ng kasama ko (kahit kaibigan ko yun hinihigit yung damit ko para mauna sya hays) pagtakbo namin saktong nakasalubong namin yung teacher namin tapos saka namin ikinuwento sa kanya kaso di naman samin sya naniwala "Sus.. guni guni nyo lang yun." Wala kaming nagawa bumalik kami sa loob kasi naiwan namin yung room na bukas at baka magalitan pa kami nakakalat pa yung ginamit namin game board. Hindi naman na kami natakot kasi may kasama na kami bukod kay maam.
Kayo ano naman naging experience nyo sa Science building?

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon