"Kumot"
Year 2009, di ko malilimutan Ang Isa sa nakapangingilabot na karanasan ko. Mahilig ako bumili Ng mga ukay. Hindi ako mahilig bumili Ng kumot sa ukay. Pero Ng Makita ko Ang kumot sa aking Suki Sabi nya bagong dating Lang daw iyon. Nagustuhan ko Ang texture nya. Medyo maselan kc ako sa texture Ng kumot. Ayaw ko Ng masyadong mainit sa balat at Ang gusto ko ay kumportable sa pag tulog. Iyon Ang eksaktong nakilatis ko sa kumot na nakita ko sa tindahan. Kung Kaya binili ko agad ito. Kinagabihan ako ay matutulog na, naisipan Kong italakbong Ang kumot na iyon sa salamin Ng aking aparador na whole body, di ko pa Naman kc nalalabhan Kung Kaya itinalakbong ko muna ito. Medyo naiilang kc ako sa salamin dahil malimit itong bumubukas mag Isa. Ito rin kc Ang nagsisilbing pinto Ng aking aparador. Kalagitnaan Ng aking pagtulog, ako'y nagising. Nagulantang ako ng makita ko Ang Isang Tao na nakatayo sa aking paanan! Naka angat sya sa hangin. Pinag masdan ko Ang kabuuan nya, sya ay Isang lalake sapagkat napansin ko Ang suot nyang damit, naka polo syang puti na may stripe. Nakatiklop hanggang siko Ang manggas Ng kanyang polo at nakapailalim dulo nito sa suot nyang itim na slacks, may suot Rin syang belt na itim. Wala syang ulo Wala ring kamay at paa. Putol Ang mga bahaging iyon Ng kanyang katawan. Napansin ko Rin na sunog Ang kanyang balat. Sa leeg, dibdib at braso ay sunog na sunog. Iginagalaw nya Ang kanyang kanang braso na Ang direksyon ay sa kumot parang itinuturo nya ang gawing kinalalagyan nito. Paulit ulit nyang ginagawa ito. Noong una ako ay nagulat at natakot Ng Makita ko Ang taong iyon sapagkat Wala syang ulo. Pero habang tinitingnan ko sya ay unti unting nawala Ang aking takot na parang mayroon lamang syang iparating na may kinalaman sa kumot na iyon. Kinabukasan ay nilabhan ko agad Ang kumot madali Rin Naman agad itong natuyo at ito'y ginamit ko kinagabihan. Nakakapagtaka na di manlang sya nagpakita o nagparamdam Ng gabing iyon. Subalit ako'y nanaginip, nakita ko Ang Isang lalake na Isang bumbay hinahabol sya Ng mga lalake, takbo sya Ng takbo! Subalit nasukol sya Ng mga ito. Walang awang tinaga Ng Isang lalake Ang kanyang ulo at Ang iba Naman ay pinutol Ang kanyang kamay at paa. Pagkatapos ay sinunog sya! Kalunos lunos Ang inabot Ng lalake. Napansin ko na ang lugar ay di sa pinas kundi sa ibang bansa. Lahat Ng mga tao sa lugar na iyon ay mukhang bumbay. Hanggang sa dumating ang mga awtoridad kasama babae na medyo may edad na. Abot hanggang langit Ang panaghoy nito. May dala syang tela at itinalakbong nya ito sa katawan Ng patay na lalake. Sa aking panaginip ay parang naroon ako subalit di nila ako nakikita. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at napansin ko na Ang kumot na itinalukbong Ng babae ay katulad Ng kumot na binili ko sa ukay. Napa atras ako sa kabiglaan at ako'y nagising! Binuksan ko Ang ilaw at pinag masdan Ang kumot di ako nagkakamali iyon talaga Ang aking nakita sa aking panaginip. Marahil nais nyang ipaalam saakin na may kwento Ang kumot na iyon. Matapos noon ay di ko na muling nakita pa Ang lalakeng walang ulo o kahit sa panaginip pa. Sana ay matanggap nya Ang kanyang katarungan. Hanggang ngayon ay ginagamit ko pa Rin Ang kumot. At Ang nasa larawan ay Ang aktuwal na kumot na aking binili sa ukay at sa aking palagay ay pag aari Ng bumbay na lalake.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...