BANGUNGOT
(My mother's story)
Noong dalaga pa si Nanay may karanasan noon na ikinuwento nya sakin. Siguro ang ilan sa atin naranasan na ang bangungutin at syempre ako, Naikwento ko na rin dito page yun .
Nabuhay noon si Nanay ng Mag-isa sa Maynila walang ibang kasama kundi ang mga kamag-anak lamang dahil nag-aaral pa si nanay noon, samantalang ang mga magulang nya'y nasa Probinsya ng Quezon.
Katanghaliang tapat mahimbing daw syang natutulog sa kanyang higaan dahil naramdam sya ng antok ng mga oras na yun. Sa kalagitnaan ng kanyang pag tulog nakaramdam sya ng paninikip ng dibdib na para bang dumadag-ang malaking tao sa kanya. Ni Hindi daw sya makakilos, at kahit ang sumigaw ay Hindi nya man lang magawa.
Alam naman nyang may tao sa paligid nya. Dumaraan pa daw parati sa harap nya pero hindi man lang sya gisingin ng mga ito. Gising naman ang diwa nya ngunit tulog ang buong katawan nya.
"Bakit kaya di ako gisingin ng mga kasama ko? "
Wala na syang ibang magawa kundi piliting pagalawin ang kanyang hinliliit na daliri sa kanyang paa. Ang pag galaw ng hinliliit na daliri sa ating paa ay paraan ng pag gising natin sa natutulog na dugo sa ating katawan. At noon din nagawa nyang gisingin ang kanyang sarili sa mahimbing na pagkakatulog.
Wala na rin naman akong ma-itanong tungkol sa kwento nya noong kabataan nya dahil pumanaw na ang aking ina, limang taon na ang nakakalipas. Ang kwentong ito ay base lamang sa kwentong pagkakatanda ko noong nabubuhay pa sya .
Kaya laging paalala sakin ni Nanay; "Wag muna akong matulog kapag busog pa ako. " baka iyon pa ang maging hudyat ng mahimbing kong pagkakatulog hanggang sa di na ako magising pa.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HororAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...