True story 34 : Overnight

8 0 0
                                    

"Overnight"
March, 2011. Malapit na ako grumaduate ng highschool, syempre dahil magkakaroon na kami ng mga bagong buhay sa college, napagpasyahan kaming magkaka-klase na mag overnight.
Yung isa kong kaklaseng lalaki na itago na lang natin sa pangalang joshua ay nakatira sa may maginhawa sa UP Diliman, yung bahay nila may simbahan na maliit at prep school, DBC tawag sa lugar pero di ko alam ibigsabihin, parang may bible church yata. Anyways, back to the story.
Friday ng gabi ng magkita-kita kami sa tapat ng monas bakeshop sa maginhawa, sinama ko boyfriend ko para makatabi ko siya matulog at para din may quality time kami. Hinintay na rin namin yung iba pang mga sasama. Dose lang kami nuon at ng makumpleto kami ay pumunta na kami sa DBC, okay lang naman sa pakiramdam pagpasok kasi simbahan agad yung bungad, naglakad kami sa gilid at madadaanan namin yung pre-school, nasa pinaka dulo likod kasi yung bahay nila. Ng makarating kami sa pinto ng bahay nila, iba na yung awra. Makakaramdam ka ng sobrang bigat at malulungkot ka ng parang walang dahilan.
Nagkayayaan na sa loob at nagkanya kanya na ng grupo pero pag pasok pa lang namin mafi-feel mo yung ambiance ng parang may nakatingin sayo. Na-wirduhan din kami ng makita namin ang isang malaking krus na nakatayo sa tapat ng hagdanan. Tinanong namin si joshua kung para saan yun, pero ang sabi niya e disenyo lang yun na nilagay duon. Di na kami nagtanong kasi busy kaming umupo sa malaking sulok ng bahay para magkwentuhan at kumain, lumabas yung iba naming kasama para bumili pa ng makakain namin habang naghihintay sa loob at nangangalikot ng mga gamit. Kasalukuyan kaming naghaharutan ng mga kaklase ko ng makarinig ako ng ingay sa 2nd floor, kahoy lang yung sahig kaya rinig kong parang may naglalakad. Nakita kong huminto yung isa kong kaklase sa pagbubutingting nung display sa sala at tumingin sa taas, tinanong niya si joshua kung may tao sa taas. Pero wala daw, at tanging kami lang nandun. Alam ko na narinig din ng kaklase kong yun kaya tinanong niya, pero na di na kami ulit nagtanong.
Dumating na yung mga kaklase namin dala-dala yung mga pagkaing binili nila, pumwesto kami sa malaking sulok ng bahay at nagsimulang magkwentuhan ng mga kung anu-ano sa buhay namin. Mga dalawang oras lumipas ng usupan eh nagpaalam yung isa kong kaklaseng babae na mag c-Cr daw siya, sumabay naman yung isa ko pang kaklaseng babae. Tinanong nila si joshua kung nasaan ang CR, at sinamahan sila nito papunta duon. Madaanan nila yung krus sa hagdanan at ang isang kwarto, subalit nakita namin sila na huminto sa tapat ng kwarto, narinig namin na tinanong nung kaklase naming babae si joshua, di naman kasi ganun kalaki yung bahay kaya rinig mo talaga yung mga nag uusap o kahit anong ingay. "Bakit walang gamit sa loob? Saka bakit may monoblock na upuan sa gitna? " (nakita nila dahil nakabukas yung kwarto). "Ah wala lang yan, huwag niyo na pansinin", sabat ni joshua. Makalipas ang ilang minuto na pagbabanyo ng dalawa kong kaklase, narinig naming kinakalabog nila ang pinto ng CR at sumisigaw na di sila makalabas dahil sa na-lock yung pinto. Agad pumunta yung mga kaklase kong lalaki kasama si joshua para buksan yung pinto, pero nakakapagtakang naka lock nga ito sa di nila malamang dahilan. Hindi naman naka press ang button sa likod ng lock kaya imposibleng di nila mabuksan. Kalmadong kinuha ni joshua yung susi at binuksan yung pinto, tapos bumalik kami sa pwesto ng parang walang nangyari. Ng nagyaya yung isa kong kaklase na umakyat daw kami sa taas para makita naman kung ano meron duon, pumayag naman si joshua at sinamahan kami, iilan lang kaming umakyat at naiwan yung iba sa baba. Mga tantsa ko eh walo lng kami umakyat kasama boyfriend ko.
Inusog ni joshua yung krus sa baba ng hagdan at umakyat na kami, habang hinahakbang ko mga paa ko sa hagdan ay siya rin namang pabigat ng pabigat yung nararamdaman kong awra at sobrang lungkot, pag bungad sa taas ay makikita mo agad ang malaki at lumang baul sa gilid ng hagdan, parang kasya ang tao sa laki nito. Walang sumubok saming buksan iyon kasi nakakatakot yung itsura, may mga limang kwarto na malalaki sa taas nuon at lahat yun nakasarado maliban sa isang kwarto na nasa pinaka dulo. Pinasok namin yun at umupo sa malaking kwarto, kulob na kulob ito dahil nakasarado ang mga bintana, walang aircon o electricfan na nakabukas pero sobrang lamig, para kaming pumasok sa freezer.
Umupo ako sa gilid ng kama na nakaharap sa pinto habang nagkukwentuhan kami, si joshua naman ay nasa harap ko nakatayo malapit sa pinto, ng mapansin naming dalawa na sumara yung pintuan. Gulat na nagkatinginan kami ni joshua dahil wala naman hangin sa loob na makakapag pasara nuon. "Sinara mo?" Tanong ko. "Hindi ah, nakita mo naman na nakatayo lang ako sa harap mo at kahit malapit ako sa pinto eh hindi ko naman ito abot". Sagot niya. Napansin ng boyfriend ko na parang may pinagtatalunan kami ni joshua kaya nagyaya na ito bumaba. Sumunuod na rin yun iba pa naming kasama. Pagbaba namin ay bumalik na kami sa pwesto namin at nagpatuloy na kami sa pagkukwentuhan ng mga nakakatakot na bagay.
Matapos ang ilang oras ay napag pasyahan na namin matulog, nasa sahig lang kami lahat at tabi-tabi, ako at yung boyfriend ko ang nasa pinakadulo, bale nasa dingding kami nakatabi habang si joshua ang nasa bungad, palibhasa'y lahat kami ay takot kaya siksik na siksik kami lahat ni halos wala ng space sa pagitan.
Hindi ako makatulog dahil bukod sa mainit ay masikip din, kaya pinagmamasdan ko lang ang buong bahay kahit na nakapatay ang ilaw, makikita mo pa naman kasi yung paligid kahit papaano dahil nakabukas yung mga bintana at pumapasok yung liwanag ng buwan. Habang tinitignan ko yung hagdan ay parang may napansin ako nakatayo sa hagdan, paa lang yung kita kasi nasa taas pa siya, di rin masyado malinaw dahil madilim hindi ko inaalis yung tingin ko dahil baka guni-guni ko lang, pero laking gulat ko ng unti-unti naglakad ito pababa, kitang kita ko na siya, natatamaan siya ng liwanag ng buwan pero kulay itim lang talaga siya. Huminto siya sa paanan ng hagdan dahil nakaharang yung krus, nakatayo lang siya at nagmamasid. Lalo akong pinagpawisan at halos rinig ko na yung tibok ng puso ko sa kaba. Ilang minuto din lumipas ng mawala siya ng parang bula. Nakaramdam na rin ako ng sobrang antok kaya di ko namalayan nakatulog na ako.
Nagising ako sa ingay ng isa kong kaklase at tinignan ko yung relo ko, alasingko pasado na. Nagpasya kaming bumangon na lahat para lumabas at mag almusal. Nasa gotohan na kami at kumakain ng naglabasan na ang mga kwentong katatakutan. Nauna ng nagsalita yung isa kong kaklase na may naririnig daw siyang naglalakad sa 2nd floor, yung isa naman ay may nakitang nakatayo sa hagdan, parehas ng nakita ko, yung iba ay may naririnig daw silang tumatawag sa pangalan nila, habang yung iba ay ganun din ang kwento. Lahat kami, oo, lahat kami pare-parehas ng kwento at naranasan. Ng magsalita si joshua lahat kami tumahimik para makinig sa istorya niya. "Nagtataka kayo kung bakit may malaking krus sa tapat ng hagdan? Tanong niya. May nakabantay kasing matandang lalaki sa loob ng bahay namin na yun at madalas nasa 2nd floor lang ito palakad lakad kaya para hindi ito bumaba at hinarangan nila ng krus. Ayun daw yung nakita namin sa hadgan, naririnig naming naglalakad, at tumatawag sa mga pangalan namin." Put@#*/$_#@!! ", napamura yung isa kong kaklase sa takot. Kinilabutan kami sa nalaman namin, at parang ayaw na namin bumalik sa lugar na yun. Dinugtungan pa nito ang kwento niya, at ang sabi niya yung kwartong may upuan sa gitna ay pagmamay ari ng tito niyang yumao na, di daw nila alam kung bakit may upuan sa gitna nuon, pero sa tuwing inaalis nito, kinabukasan lang makikita nila uli ito na nasa loob ng kwarto sa parehas na ayos. Wala naman daw magbabalik sa loob nuon dahil sinasarado nila yung kwarto at simula nung mamatay ang tiyuhin nila ay wala ng maglakas pumasok mag isa duon. Marahil daw ay inuupuan ng tito niya kaya di na nila inaalis. Sabat pa niya ay madalas silang magkaroon ng doopleganger duon, nasanay na nga lang daw sila dahil madalas nilang ma-experience.
Habang nagku-kwentuhan din daw kami sa ibaba ay sinubukan niya kaming bilangin, nagtataka daw kasi siya dahil trese ang pagkakabilang niya samantalang dose lang naman kami. (Nakapatay yung ilaw nung time na yun at liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin) ilang beses niyang maka ulit na bilangan pero trese talaga, di daw niya malaman kung sino yung nagpapanggap na kasama namin. Nagtakutan na kami ng husto at di na namin binalak bumalik duon sa lugar. Sabi ni joshua ay nararamdaman at nakikita din niya iyon nung gabi pero di niya sa amin sinasabi dahil baka matakot kami ng husto.
Yun ang una't huling araw na pumunta ako duon hanggang sa ngayon nagtatrabaho na ako, nadaanan ko lang yung lugar pagpapasok ako at pauwi sakay ng tricycle, o kaya naman pag kakain kami sa maginhawa ng mga kaibigan ko. Pagnapapatingin ako sa lugar na iyon, naaalala ko lahat ng nangyari, nakakatakot. Duon pa rin nakatira sila joshua, di na kami nagkikita dahil busy na kami sa mga buhay namin

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon