Noong bata pa ako, may naalala akong pangyayari na hanggang ngayon, tandang tanda ko pa ang buong detalye.
Dati sobrang likot kong matulog ,kahit pa ang pwesto ng aking ina ay nakaukopa para sa kanya ay nagagaw ko pa. Buong latag na yata namin nalilibot ko na sa sobrang likot ko matulog. Hanggang isang gabi, nalipungatang ako sa pagkakatulog, di ko namalayan na nasa paahan na pala ako nila nanay at tatay natutulog. Nagulat na lang ako dahil may kumalabit mula sa paa ko. Noong una di ko pinasin kasi baka lumapat lang talaga ang talampakan ko sa kulambo naming, hanggang sa may kumalabit na naman sa paa ko. Alam ko na kahit madilim pa nun ramdam ko na may tao sa harap ko. Lalaki. Nakasuot ng kulay puting polo. Pero hindi ko na nakita ang mukha dahil sa dilim at dala na rin ng takot ko. Umayos ako ng pagkakahiga ko, at inaalis ang paa ko sa kulambo. Kahit ramdam ko ang init ay tiniis ko pa ring magkumot na talaga namang di ko talaga ugali. Tumutulo ang pawis ko na malamig, naninigas ako sa takot ,nagdarasal na sana di ko na sya makita.
Kinabukasan may nalaman kaming masamang balita. Yung tito ko na taga laguna ay nasaksak. Pumunta agad kami sa probinsya ng Laguna. Mula Quezon nagbyahe pa kami ng ilang oras bago kami nakarating, pero di na namin sya naabutan. Bumungad samin ang isang puting ataol at ang nasa loob ang Tito ko. Ayaw ko pang sumilip sa tito ko, dahil natatakot ako. Mula pa lang bata pa ako ayaw na ayaw ko talagang makakita kabaong. Pero dahil kasama ko naman si nanay, sumilip na rin ako at nagdasal. Habang nagsasign of the cross si nanay, nakatitig naman ako sa mukha ng tito ko. Sa ibabaw ng bubog na salamin May kulay dilaw na Sisiw na kumakain, ang sisiw daw ay para daw makonsensya ang pumatay. Bakas sa mukha nya na hindi pa sya handang iwan ang pamilya nya. Ayun sa kanila, mabait naman daw si tito kaya wala naman silang maisip na pwedeng makaaway ito. Base sa manghuhula na nakausap nila, meron daw na taong naiinggit sa kabaitan ng tito ko at itong Tao daw na ito na kumitil ng buhay ng tito ko ay nasa bangkayan din ng mga oras na yun. Hanggang ngayon di pa rin namin nakikilala ang pumatay sa tito ko.
Yung tito ko ay asawa ng kapatid ni tatay. Close sila tatay pero kami na lang daw ang bumisita at samahan si tiya. Makalipas ang ilang taon, muli kong naalala ang nakita kong lalaki na nasa harap ko, na di ko naman inisip na baka tito ko yun. Kahit kanino di ko pa yun sinasabi dahil baka mali ako at baka di sila maniwala sa nakita ko. Ang lalaking nakita ko ay baka ang tito ko, dahil alas tres ng madaling araw ng mangyari yun, at mangyari ng sasaksakin din sya nung oras na yun.Hindi ko na rin ugaling maglikot pa sa higaan at ilapat ang paa ko sa kulambo dahil sa trauma. Yun lang maraming salamat sa pagbabasa ng akibg kwento. Rest in peace tito.
-MaryAnn
Quezon. 19
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorreurAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...