True story 22 : Maningning Miclat

5 0 0
                                    

SINO NGA BA SI MANINGNING MICLAT?

Si Maningning Miclat ay isang dalubhasang makata at pintor. mula sa Filipino-Chinese na pamilya na nakapagtala ng mga di matawarang likha, libro at mga pintang nagbigay karangalan sa bansa, Nagtapos sa UP Diliman at kumuha ng Masters degree sa UP at Ateneo, nakapagturo rin ng arts sa IARFA O Institute of Architecture and Fine Arts ng FEU.

Taung 2000, pumaindayog ang pangalan nya sa pamantasan dahil sa pagiging mabait, tahimik at paladasal na guro, Noong ika-29 Setyembre 2000 sa edad na 28 kinagulat ng lahat ng tumalon ang propesora mula sa ikapitong palapag ng Nursing Building ang dating IARFA Building.

Nagtago man ang tunay na katotohanan sa sanhi ng pagpapakamatay nito, nanatili naman ang mga kakila-kilabot ng experience ng mga istudyante sa ika-pitong palapag ng Nursing Building. Sa tuwing sasapit daw ang ika-8:00 ng gabi may naririnig silang umiiyak at parang may kung anung hangin na siguradong mararamdaman mo na syang magpapatayo ng iyong balahibo.

At nung minsan nahihinto magturo ang isang propesora sa isang pang-gabing klase sa ikalawang palapag ng Nursing Bldg. dahil sa isang tunog ng pagbagsak ng tila mabigat na bagay mula sa taas napapatingin ang lahat kung saan nagmumula ang matinding kalabog na iyon.

Mayroon naring insidente na nagpakita si Maningnig sa elevator na naturang gusali at talagang maiiyak ka sa gulat, minsan parang may makakasabay ka sa pagbaba mo sa hagdan at may biglang hahawak sa likuran mo, mararamdaman mo ito lalo na pag nag-iisa ka.

Mayroon ding naganap na may pumasok sa isang silid sa 7th floor sa mga 1st year nursing student at nagpakilalang sya raw si Maningning Miclat at ng sandaling magpaalam ito naglaho na ito’t hindi na muling bumalik pa, mapanindig-balahibon­g nalaman nilang matagal na pala itong patay.

Minsan itong nagpapakita sa ilang studyante sa Hallway nakatingin na tila malungkot at nakaputi, maging sa konektado nitong EB (Education Building) ay takot ang mga pang-gabing klase ng sumilip sa daanan ng nasabing hallway, Ganoon din sa Chapel ng FEU sa tabi ng AB (Arts Building) nakikita raw tuwing gabi ang isang babaeng nakaputi at nakaluhod sa loob ng simbahan at sinasabi ng ilan na si Maningning daw iyon, dahil bago ito noong umuuwi lagi itong nagdadasal at dumadaan sa chapel noong nabubuhay pa.

Isa lamang Ang kwento ni Maningning sa mga kakilakilabot ng kakaibang nagyayari sa pagsapit ng Gabi sa FEU at t sa tuwing makakarinig ang mga estudyante ng mga ganitong kwento ang payo sa kanila ay mag-aalay nalamang ng Dasal.

Payo pa ng ilan tuwing dadaan ka ng Nursing Building o ‘di kaya sa simbahan, tibayan mo loob mo dahil maaring may gustong ipahiwatig si Maningning sayo, hindi n’ya hangad siguro ang manakot o takutin ang kung sino.

Marahil ang mga nabanggit above ay nagpasalin-salin na lamang at ang iba ay maaring bunga lamang ng sariling imahinasyon dala ng takot.

“There is such hype and interest regarding the paranormal due curiosity, because these paranormal contains the element of mystery and enigma.and when people encounter such instances, the first thing we need to do is to offer prayers” FEU Psychology Professor Said.

Hindi na importante ang dahilan kung bakit nagawa ni Maningning ang ganung bagay, di narin mahalaga ang tanong kung bakit ito tumalon sa 7th floor, Ang mas magandang alalahanin siguro na si Maningning bilang isang Guro na may dedikasyon lalo na’t naging bahagi sya ng FEU-IARFA, Isang Guro na naging taga-pagtaguyod ng ilang mga mag-aaral noon na ngayon ay matagumpay sa Sining at larangang kanilang pinili.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon